Labing-tatlo
Ivy Lorenzo
“Anak, hindi ka ba napapagod?” malambing pa ring pagsaway ng ina sa akin. “Kanina ka pa pabalik-balik. Umupo ka rito’t uuwi na rin kaagad ang tatay.”
Mag-iisang oras na simula noong lumabas si tatay at labis kong inaalala iyon. Kabisado ko ang lugar, kabisado ko na rin kung ilang minuto, oras o kahit hakbang ng mga paa ang aabutin sa pagpunta sa mga lugar na narito.
He should be here by now. Dapat ay kanina pa nga at iyon ang kinatatakot ko.
Dumarami na rin kasi ang mga tambay pati na iyong ilang lalaking umiinom sa labas ng bahay. They seem dangerous to me lalong-lalo na’t baka mapano pa ang ama. I became more anxious, maaaring magkaiba ang Maynila at Baguio pero wala namang masama kung mag-iingat.
Sinubukan kong mas pakalmahin ang sarili at maupo muna sa isang monoblock chair na naroon. Bakit pa kasi kailangang magpumilit ni tatay na bumili ng iilang snacks at gagamitin ko raw umano kung alam niyang hindi naman ako magtatagal.
Ramdam ko ang sunod-sunod na pagba-vibrate ng cellphone kanina pa pero ipinagsawalang-bahala ko muna ang mga tawag na mula sa kaibigan. Ang totoo n‘yan ay nakapagpaalam na ako sa mga ito. Sinabi kong kailangan ko munang umuwi sa probinsya sa lalong madaling panahon dahil labis ko nang nami-miss ang mga magulang. I also told them na hindi na rin magtatagal bago ako tuluyang magresign sa AC Constructions na siyang dahilan nang hindi matigil-tigil nilang pag-uusyoso.
Buong byahe kong pinag-isipan ang magiging desisyon. Malaki naman ang pakiramdam kong hindi naman talga ako para sa kompanya. Katulad ng ilang pinag-apply-an, siguradong hindi rin pasok sa kagustuhan nila ang lebel ng edukasyong nakuha ko. Kaya lang, ang boss na mismo ang nagdesisyon para sakanila noong araw na iyon.
It wasn’t because he saw something in me, kahit katiting na pag-asa, capabilities, o skills, it was because I look like her.
Makakahanap pa naman siguro ako ng ibang kompanya. Mas pag-iigihan ko na ang paghahanap sa pagkakataong ito. Katunayan, kaya ko nga piniling bumisita sa bahay para kausapin ang magulang. That was the plan, pero mukhang hindi ko ata magagawa ang bagay na iyon.
Alam ng mga magulang ko ang estado ng kompanyang pinagtatrabahuhan at alam kong masaya sila para sa akin. I don’t want them to worry. Isa pa, nagawa ko na rin namang magtiis sa kompanyang iyon para sa mga magulang. Ayos lang sana sa akin ang tambak na gawain basta alam kong may aasahan ako sa pang-araw-araw, may buwan-buwan akong aantayin para mapadala sa kanila.
Pero hindi ayos iyon sa aroganteng lalaking akala niya sakanya lang umiikot ang mundo.
“So, ano pala ang gusto niyang gawin? Umakto akong si Athena para matanggap niya?” Napabulong na lang ako sa sarili. “Saka, hoy, Mr Cortez! Ako ang may orihinal na may-ari ng magandang mukhang to!”
“Nariyan na siguro ang tatay mo’t naririnig ko na ang kaluskos ni Rara.”
Nang marinig ang ina, halos takbuhin ko ang distanya mula sa kinauupuan hanggang sa pinto ng bahay. Handa na akong sermunan si tatay dahil nagawa ako nitong pag-alalahanin nang tumama mismo ako sa isang matigas na bagay.
Huli na nang ma-realize kong hindi isang bagay kundi katawan ng taong nakasisigurado akong hindi si tatay ang nakabangga. Nakayuko pa akong umatras. Nanakit bigla ang labi ko dahil iyon ang unang nakatama sa matigas na dibdib ng lalaki.
“Anak, nakita ko ang boss mo sa may arko. Niyaya kong dito na muna magpalipas ng gabi dahil mahirap nang makabalik sa Maynila nang ganitong oras—”
BINABASA MO ANG
The Mistaken Wife
Fiksi UmumIsang probinsyanang mataas ang pangarap sa magulang ang tingin ni Ivy sa sarili. Hindi niya nagawang makatapos ng pag-aaral pero malakas amg loob na makikipagsapalaran sa Maynila. Simpleng babaeng may simpleng pangarap at pamumuhay. Sa pagdating ni...