Labing-anim

2.1K 73 5
                                    

Labing-anim

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Labing-anim

    “Ma’am Athena? Ma’am Athena, kayo po ba ‘yan?”

    Kung kanina ay wala akong nararamdamang paninikip ng dibdib ay hawak ko na ito ngayon, pinipisil-pisil na para bang luluwag nang kaonti ang paghinga.

    Halo-halo ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung totoo bang nananakit ang tyan at nasusuka.
   
     Akma akong lalapitan nang nag-aalalang babae nang biglang may sumalikop sa aking baywang. Kung hindi pa ito magsasalita ay hindi ko pa malalaman kung sino marahil ang lalaki.

    “Good evening, Ma’am.” It was Nathan. “She’s with me. Empleyado po kami sa AC Constructions.”

    Huli na nang lingunin ko ang lalaki pero nagawa pa rin nitong ngumiti.

    Para namang natauhan ang babaeng pakuwari ko’y isa sa mga kasambahay nila dahil sa uniporme. Kaagad nitong ibinuka nang mas malaki ang pinto pagkatapos ay iginiya kami papasok kahit pa hindi maalis-alis ang titig nito sa aking para bang manghang-mangha.

    Ginawa ko ang lahat para kumalma. Aaminin kong natakot ako sa nangyari kanina at hanggang ngayon ay nanginginig pa ang mga kamay ko kahit pa inabutan na ako ni Nathan ng isang basong tubig.

    “You should’ve told us,” sambit nito sa tabi mismo ng tainga ko. Maingay kasi at paniguradong hindi ko siya maririnig kung sakali.

    Napayuko na lang ako, hindi alam ang sasabihin. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit talaga ako nandito kahit pa malinaw naming napag-usapan ang hindi pagpunta.

    “Maiintindihan ka naman namin,” dagdag niya pa.

    Muli akong bumuntong-hininga. Napakaraming tao kaya napanatag akong hindi ko rin makita ang may birthday at si Mr. Cortez. “I’m sorry, Nath. Hindi ko na naisip ang umuwi at dumeretso na lang dito agad pagkatapos ng trabaho. Ayaw ko namang saktan pa ‘yung bata pero there’s something in me, paulit-ulit akong kinukumbinsi na may kailangan akong malaman.”

    Sumimsim ako ng wine na kanina pa ipinamimigay ng naglilibot na mga lalaki. Ipinagpasalamat ko na lang ang pagiging present ni Nathan sa tabi. Life would be different kung si Eunice ang kasama ko dahil paniguradong hindi man lang ako makatatapak sa sahig ng bahay at kakaladkarin na ako noon pauwi.

    Hindi ko rin naman masisisi ang babaeng kaibigan. Kahit ako, nag-aalala rin para sa sarili kaya lalo na ito.

    Ngumiti ang lalaking kaharap, pagkatapos ay ginulo-gulo ang buhok ko katulad ng palagi nitong ginagawa. “You don’t have to be sorry. Sa ngayon, wala pa tayong sagot kung bakit ‘yan ang nararamdaman mo pero malalaman din natin. You have to be strong, Ivy.”

    Taimtim kong pinagnilayan ang sinabi ng kaibigan. Kahit pa nga nagsimula na ang programa ay mukha pa rin akong lumulutang sa pag-iisip.

    “Let’s welcome, our birthday boy, Azi Gabrielle Cortez!”

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon