Pito

2.7K 90 2
                                    

Pito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pito

    “Ayan kasi, ilang beses ko nang sinabing upakan mo na ang gagong ’yun, hindi mo naman ginawa! Ngayon, sinong kawawang hindi makatayo sa higaan niya?” paulit-ulit na singhal ni Eunice kinaumagahan ang naging agahan ko.
   
    Hindi matapos-tapos ang sermon at iniwan ang gawain kay Nathan sa paghahanda ng almusalan.

    Pag-uwi kahapon ay imbes na magmukmok ay kainailangan ko pang maging masaya para kay Nathan na nakakuha na ng tawag mula sa AC Constructions at magsisimula na sa sunod na lunes.

    Nakakatuwa naman talaga ang bagay na iyon. At last, hindi na ako mukhang baliw na kumakain mag-isa pero hindi ko lang nagawang ibigay ang lahat kagabi, dahil na rin siguro sa pagod.

    Nang makarating kagabi mula sa ilang minutong pagmumukmok sa banyo ng restaurant, pagkababang-pagkababa ko ng tawag mula kila nanay ay si Eunice naman ang nakausap ko at nagyaya na uminom sa taas lang naman ng apartment.
   
    Long story short, hindi ako nakapagdrama at pakiramdam ko ay magang-maga ang buong katawan ko ngayon. Bwisit ka, Azrael Cortez!Kapag ako namatay sa hindi matatawarang kapaguran mumultuhin kita hanggang sa pagtanda mo!

    “Kung matatanggal ka lang din naman sa trabaho, aba, lubos-lubusin mo na! Mukha naman talagang antipatiko ang Mr. Cortez na ‘yon. Napakayabang!” pagpapatuloy ng kaibigan.

    “Palibhasa kasi hindi employed kaya nakikisiksik sa boss ng iba.”

    Tatlong segundo lang ang inantay ni Nathan bago bumagsak sa mukha ng lalaki ang tsinelas na suot ni Eunice. Ikinatawa ko na lang ang biglaang pananahimik ng kaibigan at hindi na nag-amok pa sa babae.

    “Tama na, pwede ba? Hindi niyo alam kung gaano ako nabubwisit sa lalaking ‘yan! Ni hindi pa nga ako sumusweldo, gagastusan ko na ‘tong gamot na ‘to.”

    Pinilit ko ang sariling tumayo at kumuha ng tubig sa maliit na ref na naroon. Wala rin naman akong mapapala kung magrereklamo lang ako buong araw. Hindi ako makakapasok pero alam kong hindi naman matitigil doon ang trabaho ko lalo na sa boss kong maitim ang budhi.

    “Eh, kung tumawag kaya tayo? Hingian natin ng pampaospital tutal siya naman may kasalanan,’di ba?” humahalakhak pang sabi ni Eunice,nakaani ng pagkunot-noo mula sa amin ni Nathan. “’Pag binigyan tayo, alam mo na, parte-parte.”

    “Tingnan mo ‘yang isip ng babaeng ‘yan. Halatang walang future—”

    “Manahimik ka, Natanyel, ha!”

    Bumungtong-hininga na lang ako bago umupo. Now that I have this idea of being absent at work, pakiramdam ko ngayon na lang ulit ako makakatulog at makakpagpahinga nang maayos sa buong buhay ko.

    “I miss nanay and tatay,” bulong ko sa sarili. Hinayaan ko nang magbangayan pa ang dalawang kasama roon sa kusina.

    Today, I decided to go for a jog. Makakapagpahinga naman na ako kaya paniguradong lulubos-lubusin ko na. I hurriedly went to the bathroom para makapagsimula. I tried to wash away these thoughts about Mr. Cortez at ipinangako sa sariling dadaan ako sa mambabarang para naman makuha ng lalaki ang dapat sakanya pero walang gana lang na bumagsak ang balikat ko nang maisip na paniguradong magagalit si nanay roon.

    Pero bakit nga ba siya gan’on?
   
    I think, it is a bit too much na pahirapan ako nang ganito kung namura ko siya. I mean, if I offended him that time edi sana tinanggal na niya ako sa trabaho, ‘di ba?

    Binuhusan ko na ang sarili nang pagkalamig-lamig na tubig. Sinasabi ko pa lang na hindi ko hahayaang mapuno ang araw ko nang pag-iisip patungkol kay Mr. Cortez pero heto na naman ako.

    Nahimigmigan ako sa pagligo sa biglaang pagsigaw ni Eunice mula sa labas ng banyo. “Ivy, shit! Tumatawag ‘yung boss mo, anong gagawin natin?”

    Sinalakay ng kaba ang sistema ko pero agad akong nakasagot. “Pabayaan mo. I’ve already sent my absent form sa opisina. Sigurado nabasa niya na rin—”

    “Nako, Sir. Si Ivym inaapoy po kasi ng lagnat kaya hindi makakapasok. Inoobserbahan pa nga po naming kung dadalhin naming sa ospital.”

    Wala sa sarili kong tinapi ang tuwalyang naroon sa sarili at aligagang lumabas para sana agawin ang telepono mula sa baliw na kaibigan. Walang hiya, tinotoo talaga niya ang sinabi. 

    “Wala na, pinatay na.”
    Nakisali si Nathan sa pagtawa habang napaupo na lang ako sa gilid, nakatapi pa ng tuwalya at problemadong-problemado.

    “Ivy naman. Malay mo kagatin ng boss mo edi masarap ang pagkain natin mamaya,” paliwanag ni Eunice na akala mo naman ay sobrang tama ang ginawa.

    “Eunice naman. . .” Sinubukan ko itong titigan nang masama pero napangiti pa rin ako, hindi talaga kayang magalit. “Bahala nga kayo. As if naman pupunta’yung boss na ‘yun. Siya na nga ang may dahilan nito, eh.”

    Hinayaan ko ang dalawa sa pagtatawanan, pagkatapos ay bumalik sa banyo para ipagpatuloy ang pagligo. Mukhang hindi ko magagawa ang ipinangako sa sarili at talagang babagabagin ako ng Mr. Cortez na ‘yun.

    Paano kaya kung totoohin ko ang sinabi ni Eunice? Paano kung huthutan naming ng pera? Tutal naman, sobra-sobra ang ipinagawa sa akin nito kahapon. Bawal ba humungi ng advance?, bulong ng demonyong boses sa isip.

    Pero paano kung magalit ang lalaki at tuluyan ako matanggal sa trabaho? Paano na lang si nanay at tatay? Paniguradong nahihirapan din sila sa gastusin sa probinsya, ganti naman ng mabuting boses.

    Halos iumpog ko ang ulo sa sariling naroon sa banyo. Napakaswerte ko na naman ata. Hindi na nga ako natanggap sa ilang mga kompanyang napag-apply-an, napunta pa ako sa napaka-twisted na boss.

    I mean, bakit siya magagalit sa akin? Sinabi ko lang naman ang totoo noog gabing iyon. Hindi ako si Athena, period!

    Suot ang paboritong oversized shirt at shorts, walang gana kong tinungo ang mesa nang magyaya si Nathaniel. Dahil ang lalaki ang nakaassign na magluto ngayon ay paniguradong mala-fiesta ang pagkain naming sa sarap hindi katulad kung kami ang maghanda ni Eunice.

    Handa na ako sa pagsubsob sa pagkain nang bumungkaras ang labas ng apartment na iyon dahil sa sunod-sunod na katok. Matagal pa kaming nagtitigang magkaibigan. Nag-aantay kung sino ang hindi makakatiis ng katok na iyon at magboboluntaryo sa pagbubukas ng pinto.

    And as what we’ve expected, si Nathaniel iyon, ang lalaking allergic sa ingay.

    Walang pagdadalawang-isip kong sinunggaban ang pagkaing nasa harapan nang makaalis ang lalaki, ganoon din ang ginawa ni Eunice. Kapag kaninan ay parati kaming ‘survival of the fittest’, ang mauubusan, mag-aantay ng tanghalian para sunod na kumain.

    “Natanyel will definitely kill us.” Sabay kaming humagikhik sa biglaang pagsasalita ni Eunice.

    “SI Ivy? Nandito po siya, Sir.”

    Taranta kaming sumilip ni Eunice sa may pinto bago kami titigan ni Nathaniel, parehang may ipinapahiwatig sa isa’t-isa.

    “Tangina, nagpunta talaga ‘yung boss mo, Ivy!” impit na sigaw pa ni Eunice na parang wala akong ideya sa lahat. Mas lalo lang nitong pinoint-out na dapat na akong mamroblema.

    “Pasok po kayo, Sir.” Sambit pa ni Nathan na kaagad kong nilapitan pagkatapos ay hinarang ang boss.

    “Teka, teka. Sandali!” Nanginginig pa ang kamay ko sa gulat. What the hell is he doing here? Binangungot na ba siya ng konsensya niya at na-realize niyang siya ang may kasalanan ng pagkakasakit ko?

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon