Labing-apat

2.3K 75 4
                                    

Labing-apat
    Nagtuloy-tuloy ang pananahimik ko hindi dahil sa wala akong maisip na salitang pwedeng makapagpakalma sa lalaki, kundi dahil sa hindi maipaliwanag na pagsikip ng dibdib

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Labing-apat

    Nagtuloy-tuloy ang pananahimik ko hindi dahil sa wala akong maisip na salitang pwedeng makapagpakalma sa lalaki, kundi dahil sa hindi maipaliwanag na pagsikip ng dibdib.

    Hindi ko nga napigilang mapahawak doon na parang may magagawa ito upang mapigilan ang sakit.

    “I’m really sorry, Miss Lorenzo. I know I should’ve done better pero—“

    “Wala namang nagsasabing kalimutan mo si Athena—” Mabilis na dumapo ang kamay sa aking bibig para mapigilan ko ang pagsasalita. Para kasing hangin iyon na lumabas sa akin na hindi ko man lamang nagawang mapag-isipan.

    Mukhang mas lalo lang naguluhan ang lalaki sa sinabi, kitang-kita ko ang pagkunot ng noo nito kahit pa madilim na ang paligid at tanging liwanag mula sa buwan na lang ang nagmimistulang ilaw namin sa gabing iyon.

    “H-Hindi mo naman siya kailangang kalimutan. Kailangan mo lang tanggapin na hindi mo na siya makakamsamang muli at maraming tao ang nandyan para sa’yo,” pagpapatuloy ko pa. Pagkatapos ay aligaga akong tumayo at tumalikod na para bumalik sa bahay, iniiwan ang lalaking nakaupo pa rin sa may dalampasigan.

    “I’ll try again this time. Salamat sa’yo, Irish!”






    Nasiraan na ata ako ng bait.  Mala-abnormal ang naging pagtibok ng puso ko tuwing maiisip ang mga salitang iyon. Paulit-ulit hanggang sa tuluyan nang sumikat ang araw, hudyat na kailangan ko nang tumayo para makabalik sa Maynila.

    Mas malaki pa ata ang eyebags ko kaysa sa mata ko sa araw na ito.

    “Mauuna na po ako,” dere-deretso kong sabing hindi na nagawang lapitan man lang ang mga magulang na abalang-abala sa pag-aasikaso nang kagigising lang ding si Mr. Cortez.

    I didn’t even had a chance to wash my face or my hair. Basta na lang ako nagbihis at lumabas. Para pa rin akong hinahabol ng daan-daang kabayo, hindi mapakali.

    “Anak, ano bang nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ni nanay. Dali-dali ako nitong nilapitan at tsinek ang noo pati na ang katawan.

    “Oo nga’t parati kang aligaga r’yan,” pagsegunda naman ni tatay.

    “Wala naman siyang lagnat. May sakit ka ba, anak?”

    Bumagsak lang ang mga balikat ko sa harapan nila. Kahit si Mr. Cortez ay nagtataka rin akong tiningnan.

    “K-Kailangan ko na pong pumasok. Baka kasi mahuli ako sa trabaho. Uuuwi pa po ako sa apartment ni Eunice para makaligo, doon na lang din po ako kakain,” dere-deretso kong paliwanag pero mukhang hindi naman nila tinanggap ang rason kong iyon.

    Basta, there is no way na sasabay ako sa lalaking iyan sa pagpasok.

    “Sumabay ka na sa akin, Miss Lorenzo. Rarasunan ko na lang ang pagiging late mo. Deal?”

    Wala na akong naging karapatan pa para sumagot dahil malaki ang ngising napapalakpak si tatay kasabay pa nang pagpalakpak ng tainga nito.

    Hihindi sana ako dahil sigurado na ako sa mararandamang awkwardness sa sasakyan pero wala na akong ibang nagawa kundi makipagkasundo. Ayaw ko rin namang may maisip na iba ang mga magulang patungkol sa boss at sa trabaho dahil baka tuluyan lang itong mag-alala.

    Isa pa, madali lang ding matatapos ang apat na oras na byahe kung matutulog ako sa daan. I don’t have to worry about it. Ang kailangan kong isipin ay ang babalikang trabaho at mga kaibigan dahil paniguradong dadaigin pa noon ang kung sino mang host sa isang talkshow sa TV.

    Dahil kailangan ko ring sumabay sa agahan ay nagkaroon pa ako ng oras para makaligo. Naligo ako kahit pa ingat na ingat ako sa kilos dahil sa boss na naroon.

    “Ingatan mo ang anak ko, Azrael.”

    Hindi nakatulong ang sinabing iyon ni tatay para gumaan ang nararamdaman kong pagkailang.

    Hindi ko na rin talaga alam kung ano ang nangyayari sa akin. I was just okay last night. Pero nang madailing araw na ay para akong nangingisay sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Hindi ako mapakali na parang sinisilaban ang pwetan ko.

    Natatakot at frustrated. Nababaliw na ako kakaisip kung paano kumalma at nagawa ko na rin ang lahat ng paraan pero maski ata iyon ay hindi pa ibibigay sa akin.

    This is just a bad day, not a bad life. Tama, hindi pa rito titigil ang mundo ko.

    I can’t do nasty things for now pero paniguradong kinabukasan ay magiging ayos din ang lahat.

    Wala namang perpektong araw, hindi matigil na pangungumbinsi ko sa sarili.

    “Are you okay?” sambit ni Mr. Cortez. Kanina pa ito nagsimulang magmaneho at nagawa kong maupo sa tabi nito pero hindi ako pamirmi sa kinauupuan.

    Marahil ay nagtanong na ito nang mapansing hindi na rin siya maka-focus dahil sa ginagawa ko.

    “May masakit ka ba? Hindi ka ba okay sa airconditioner ng sasakyan ko? We can open the windows—”

    “Hindi!” Nanlaki agad ang mata ko nang ma-realize kung ano ang ginawa. I’ve gone mad. Hindi ko maayos ang sarili. Ano bang nangyayari sa akin?

    “Hindi na po kailangan, Sir.”

    “Maayos naman ang lahat. H-Hindi lang po ako nakatulog kagabi kaya—”

    Napahinto rin ako agad nang marahang itinigil ng lalaki ang sasakyan sa gilid. Pagkatapos ay nakangiti itong tumingin sa akin.

    Ngumingiti naman pala ang lalaking ito. Humahalakhak din naman pala katulad ng ginawa niyang pakikipagtawanan sa mga magulang ko.

    “Are you uncomfortable?”

    “Hindi po!” Hindi ko muling nakontrol ang pagsigaw. “Opo, Sir. . . pasensya na po kayo. Hindi lang ako sanay na mabait ka—”

    “Now, I know that there is something wrong with my mind,” pagtutuloy ko nang sinasabi sa isip.

    Baliw na ba talaga ako?

    Hindi kaya dinalaw ako nang kung anong masasamang elemento kagabi?

    Pasalamat na lang ako’t hindi gaanong sineryoso ng lalaki ang sinabi ko, nagwa pa nga nito ang tumawa. “I didn’t know you’re this funny.”

    Napahalakhak na lang din ako sa nangyayari. Bahagya kong binalingan ang lalaking nagsimula na muling magmaneho.

    “Palagi naman akong nakakatawa. Ikaw lang naman ang hindi natutuwa sa’kin,” tapat kong sabi, dahilan para mas lalo lang bumungkaras ng tawa ang boss.

    “I thought I’ve made this clear last night? Pasensya na talaga, Miss Lorenzo. It was as if I was hit at the back of my head last time. Pakiramdam ko nataunhan ako, and I immediately regretted the words that I told you.”

    Madaling nagdaan ang higit apat na oras na byahe. Natuloy ang pag-uusap naming iyon patungkol sa trabaho, sa buhay ng lalaki, sa akin at sa kung ano-ano pa mang mga bagay katulad ng mga hilig at gusto.

    Kahit pa nga maaga kaming umalis ay kinapos pa rin kami sa oras at na-late. Mabuti na lang at malakas ang backer ko ngayong araw at sinabi nitong, “May dinaanan kaming investor kaya wala kami sa unang oras ng trabaho.”

    Hindi ko rin nagawang makatulog sa byahe katuad ng plinano kaya naman pagkadating na pagkadating sa sariling opisina ay bumagsak kaagad ang mga pilik-mata ko’t tuluyang nagpahila sa antok.

    Nagising na lang akong muli nang ibagsak ni Mr. Cortez ang bitbit na iPad sa harapan ko mismo. Malakas anfg naging paglagapbog ng gamit na iyon sa mesa kung saan ko ipinatong ang ulo.

    “Ikakaltas ko na lang ba ‘yang pagtulog mo sa sweldo mo this month?”

    “You’re back with it again,” mahinang bulong kong sinadya ko talagang iparinig sakanya.

    “Hey!” singhal pa nitong muli, pero hindi katulad sa mga nakaraang araw at nakasanayan ay nakangisi na ang lalaki’t parang nang-aasar na lang. “Hindi ka naman masyadong busy kaya why don’t you choose among these things? Hindi ko pa rin alam ang bibilhin ko kahit ilang araw na akong pumipili.”

    Mabilis ko siyang sinunod at tiningnan ang iPad. Samu’t sari ang pagpipiian. Mula sa mga sapatos, damit pati na sa mga mamahaling mga lauran at maging school supplies.

    “Alam ko po hindi na dapat ako nagtatanong pero mahalaga ring alam ko kung anong klaseng bata ang pagbigyan natin. Kung ano ang gusto at kailangan niya–”

    “It’s for my son,” deretsong sambit ni Mr. Cortez.

    Ginusto ko pa sanang ibuka ang bibig para magtanong ay sinunod ko na lang ang utos ng lalaki. Inayos ko ang upo’t dali-daling naghanap.

    Nanatiling nakangiti ang lalaki sa ginagawa ko at nagbaba ng maliit na envelope sa mesa bago magpaalam na lalabas muna’t babalik sa sariling opisina.

    Nang makaalis ay hindi ko na napigilan ang sariling buklatin ang laman ng envelope. Hinugot ko roon ang isang birthday invitation kung saan mayroong litraro ng anak ni Mr. Cortez.

    Hindi ko na rin kinailangan pang pakatitigan iyon nang matagal dahil nag-uunahan nang magsilabasan ang mga luha sa aking mga mata kasabay nang pagbalik noong paninikip ng dibdib kahit pa hindi ko malaman kung ano marahil ang dahilan.

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon