Dalawapu't apat

2K 70 3
                                    

Dalawampu’t apat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawampu’t apat

    Bukas na ang balik namin sa Maynila kaya minabuti naming sulitin ang buong araw sa pag-iikot sa lugar. Tuluyan na kaming naging kumportable sa isa’t isa. Wala na iyong malaking pader na nasa pagitan namin at masaya ako para roon.

    Pakiramdam ko ay kinikilala ako nito bilang si Ivy mismo at hindi si Athena. It is more than enough for me.

    Dahil wala kami ni anong planong mag-ikot-ikot, natagalan kami sa paghahanap ng maaaring lugar at bumagsak sa isang maliit na amusement park.

    Bago pumasok, nangako kaming sasakyan ang lahat ng mga rides, isang bagay na alam kong kinatatakutan din ni Azrael pero malugod niyang tinanggap.

    I’ve never seen him smile like this. Ngayon ko lang naisip na napaka-transparent ng lalaki, kaya naman hindi madaling maitatago ang nararamdaman nito. Seeing him happy makes me really proud.

    “My stomach’s crumbling,” nanghihinang sabi nito minuto pagkatapos naming makasakay sa isang extreme rides, kung saan para na kaming binabalibag.

    “Gutom ka na naman?” gagad ko rito.

    Pinili namin ang maupo sa isang bench at magpahinga. Trenta minutos pa lang ata kaming narito pero tatlong rides na ang nasakyan namin.

    “Nagsuka ako, remember?”

    Bumungkaras muli ako ng tawa. Sa tuwing naaalala ko kasi kung paano nagiging halos puti ang labi nito pagkatapos ng bawat pagsakay, imbes na matakot para sa lalaki ay tumatawa lang ako nang tumatawa.

    “Naaalala ko talaga ‘yung sarili ko sa’yo,” panimula ko. Niyaya ko na itong tumayo para maghanap ng food stall. “Two years ago, sobrang takot na takot akong sumakay, and it was very unusual. Wala akong naaalala so wala naman akong naaalalang bad experiences sa pagsakay sa mga ganyan pero takot na takot pa rin ako. I was in the same situation, Sir.”

    Itinuloy ko lang ang paglalakad at pagtawa. Dumaan ang ilang minuto bago ko napagtantong hindi nakasunod ang lalaki dahil napako ito sa kinatatayuan.

    “Anong problema?” sambit ko nang makalapit muli.

    Mabilis itong nagpailing-iling, malamlam ang matang tumingin sa akin. “What do you mean ‘wala kang maalala’?

    “Hindi mo pa pala alam?” Malaki ang naging pagngisi ko bago sinimulan ang kwento. Hinila ko na rin ang lalaki mula sa braso at nagpatuloy sa paglalakad. “Two years ago, nangingisda raw kami ni tatay, and when a huge wave struck us, hayun tumaob ang bangka. Medyo matagal na noong nasagip nila ako and maybe it was traumatic for me kaya bigla na lang akong hindi nakaalala. Nagpa-check up naman kami sa doctor, gano’n din naman ‘yung sinabi. She told us that it might really happen. She also presented us some cases kaya kahit masakit, natanggap na lang nila nanay.”

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon