Dalawa

4.9K 115 2
                                    

Dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawa

    Kinukumbinsi ko ang sariling huwag nang isipin ang lalaki pero hindi ko magawa. Sa tuwing pipikit ako, magmumulat muli ay siya’t siya ang naiisip ko.

    At kapag ginagawa ko iyon ay mas lalo akong nawi-weird-duhan. Sino ba ang lalaking iyon at masyadong attached sa kung sino mang past na babae niya?

    “Ganyan naman talaga ‘yung ibang mga lalaki, ha! Kapag kayo pa, babasurahin ka, magloloko, kung ano-anong gagawin sa’yo, sasaktan ka. Tapos kapag nawala na ‘yung babae, hahabulin, sasabihin mahal pa. Ulol, edi dapat minahal niyo nang maayos!”

    Siko ang natanggap ni Eunice mula kay Nathan sa bigla-biglang pagsigaw sa dinaraanan. “Quiet. Mukha kang lasing d’yan kahit tanghaling tapat.”

    Inirapan lang siya ng babae at sa akin na bumaling. “Pero mag-ingat ka. ‘Yang mga ganyang tao, player daw ‘yan. Kukunin ‘yung loob mo tapos iiwan ka rin.”

    Hindi na napigilan ni Natham ang humalakhak habang nagpatuloy lang ako sa panonood sa mga ito. Pakiramdam ko kasi naubos ang energy ko dahil sa mga naiisip.

    Anong ibig sabihin niyang magiging maayos din ang lahat at bakit kailangan niya pang magsinungaling doon?

    Seryoso akong tiningnan ng lalaking kaibigan, inaalisa ang kung anong kwinento ko sa mga ito. “But don't you find it weird? Bakit naman nagsinungaling ang lalaki sa sinabi? Everything will be alright? You know, hindi siya fit. If he was just mistaken, bakit hindi siya totoo sa sinasabi?”

    “Kasi nga, manloloko ang lalaking ‘yun! Duh, ano pa ba in-expect niyo? Mayaman! Maraming babae ‘yan panigurado! Player ‘yan! Itataya ko pa buhay ko,” birada naman ni Eunice. Hindi lang itong muli pinansin ng lalaki. “Baka naman nagka-defect na ang lie detector natin?”

    Dahil sa ginusto ko rin iyong malaman, kaagad kong hinawakan ang kamay ni Nathan para makasigurado. “Do you find Eu pretty?”

    Nathan looked at me flatly and said, “Hindi.”

    Kaagad kong naramdaman ang pagpasok ng animo’y kuryente sa palad. “Lie.”

    “I knew it!” Malakas ang naging paghalakhak ni Eunice roon na may kasama pang malakas na batok sa lalaki. “Hundred percent true!”

    “That’s absurd! Ulitin mo, Ivy. Nakakapangilabot naman ‘yang tanong mo, eh!”

    “Fine, anong kinain niyo kanina ni Eunice?” pagtatanong ko na lang, pinagbigyan ang kaibigang mukhang iiyak na.

    Lumawak ang ngisi nito at nagsalita, “Cookies.”

    Kaagad kong inalis ang palad sa kamay ng lalaki sa naramdaman. “This bitch! Masyadong masakit, napakasinungaling niyo!”

    “Your hand’s right. Kumain kami ng Kimchi sa–”

    “Friendship over!” sigaw ko saka nagkunwaring maglakad palayo.

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon