Isang probinsyanang mataas ang pangarap sa magulang ang tingin ni Ivy sa sarili. Hindi niya nagawang makatapos ng pag-aaral pero malakas amg loob na makikipagsapalaran sa Maynila.
Simpleng babaeng may simpleng pangarap at pamumuhay.
Sa pagdating ni...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Anim
“Maraming salamat po, Ma’am Ivy.” segunda ng mga taong naroon pagkatapos mapasalamatan ang boss. Hindi nga ako nagkamali at talagang mabubuti silang tao. Mayroon lang talagang isang tao na napakasama ng ugali. Walang modo at epal.
“Wala pong anuman—”
“We need to go now, Mang Gerry.” pagpuputol ng epal na lalaki sa sinasabi ko. Pagkatapos ay nag-abot ito ng iilang pera sa mga lalaki. “Hindi ko na ho kayo masasamahan magmeryenda, babalik na po muna kami sa opisina.”
“Hindi ho naming ‘yan matataggap, Sir, masyado hong malaki.”
Pakiramdam ko lumulutang ako sa sobrang pagod. Tumutulong naman ako sa bahay, nagagawa ko ring mangisda kasama si tatay paminsan-minsan pero walang makakapantay sa pagod na nararamdaman ko ngayon—lahat dahil sa bwisit na boss.
Nagtawanan pa ang mga lalaki pero hindi ko na ininda. Sandali akong sumingit para magpaalam bago dumeretso sa sasakyan para mag-antay kay Mr. Cortez. At least dito, nakakapagpahinga ang likod at mga paa ko.
No one will ever imagine kung ano ang mga ginawa ko ngayong araw. Hindi ata ako nakita ng lalaking iyon bilang babae at walang awa akong pinagbuhat ng kung ano-anong mga gamit na ni hindi ko man nga lang alam kung ano ang tawag. Isa pa, nahiya rin ako manghingi ng tubig dahil may kanya-kanyang baon ang mga empleyado at gustuhin ko mang maglakad-lakad at maghanap ay parang babawian naman ako ng buhay sa sobrang pagod at init.
“Ah, bwisiit na lalaking ‘yan!”
“Go, drive.” mala-sigang gangster na sabi ng lalaki nangmakapasok at makaupo sa passenger seat. Bahagya niyang ibinaba ang upuan at nagawa pang ipikit ang mg mata.
“Saan ho tayo pupunta?” nagpipigil kong sabi. Kung malakas lang ang loob ko’t hindi ako natatakot na matanggal sa trabaho ay paniguradng sinakal ko na lang bigla ang lalaki dahil sa sobrang pagkainis.
“Sa opisina, malamang.”
Ipinikit ko ang mga mata at ilang beses na bumutong-hininga. “Hindi ba pwedeng kumain muna?”
“Are you my responsibility? Eat when you’re alone.”
Pinagsisisihan kong umasang may makukuha akong matinong sagot kahit sa pinakahuli kong pagtatanong pero hindi pa rin talaga ako tinatantanan ng lalaking ito.
Ano bang problema niya? Bakit ba para siyang batang hindi nakuha ang gusto?
Isa, dalawa, tatlong buntong-hininga lang, Ivy. Kailangan mong tiisin ang lahat at paniguradong wala pa ito sa hirap na pinagdaanan ng nanay at tatay mo. You should went through all these. Ang kompanya lang na ito ang tumanggap sa’yo pagtapos ng ilang buwan sa Maynila.
Sinubukan ko na ang lahat ng pagkukumbinsi pero talagang nagwawala pa rin ang mga bulate ko sa tyan.
Simula alas nuebe kami nagtrabaho at hindi ko man lang nagawang kumain dahil sa bwisit na lalaking ito ng hanggang alas tres ng hapon?