Dalawampu't dalawa

2K 70 1
                                    

Dalawampu’t dalawa

    Ilang beses kong ipinagpasalamat na nasa dalampasigan kaming dalawa at katamtamang ang pagiging konkreto ng mga buhangin kumpara sa tiles na nasa hotel. Hindi gaanong nanakit ang puwetan ko nang mabitawan ako ng lalaki’t literal na bumagsak doon.

    Halatang-halata ang pagkabigla ng lalaki sa tanong ko. Mariin pa itong napaatras ng ilang hakbang bago ako titigan.

    “Anong. . .”

    Gamit ang lakas, mabilis kong itinulak ang sarili patayo. Nanatili an ngiti sa labi ko kahit gaano ko pa pinipigilan ang matawa. “That. . . was epic!”

    Nagsimula na akong bumungkaras ng tawa. May iilang mga taong nakakita ng nangyari pero imbis na mahiya ay mas ikinatawa ko iyon. “Bakit mo ako binitawan? Nagbi-biro lang naman ako.”

    Sa unang pagkakataong ay narinig ko ang pagtawa nang lalaki pero batid ko ang aking pagkapamilyar doon.

    Pakiramdam ko ilang beses ko na iyong narinig pero kahit na ganoon ay ang sarap-sarap pa ring pakinggan.

    “I am sorry–” Natigilan ako’t tuluyan na lang napatitig sa lalaki, kinakabisado kung paano gumagalaw nang marahan ang balikat nito sa malakas na pagtawa pati na ang pagpikit ng mga mata. “I was caught off guard by your question.”

    Sasagot pa lang sana ako sa sinabi niya nang sabay kaming napatitig sa tiyan ko nang marahas itong nagpabatid ng pagkagutom.

    Mabilis akong nakaramdam ng hiya kaya mabilis kong ihinarang ang mga kamay na para bang may magagawa iyon sa malakas na pagtunog.

    “We should eat,” tumatawa-tawa pa ring gagad ng lalaki.

    Tumango-tango ako roon at hindi na kumontra pa. Sinundan ko ang lalaki pagkatapos kong tanggalin ang doll shoes.

    Tumakbo-takbo ako sa dalampasigan na parang bata, katulad ng buhay noon—excited sa mga susunod na araw.

    “Miss Lorenzo!” Narinig ko ang pagtawag sa akin ng boss nang tuluyan na akong makalayo sa distansya rito. “Baka bumagsak ka ulit sa buhangin!”

    Halos magpiyesta ang tiyan at bibig ko nang harapin ang menu ng restaurant na mismong nasa hotel. Hindi na pinili ng lalaki ang lumabas pa dahil nagra-rally na raw ang tiyan kong mas ikinatawa lang naming dalawa.

    Pagkatapos ng tawanang iyon, ramdam ko ang pagdalas ng mga biro at asaran namin sa isa’t isa.

    “You can pick yours,” pag-uulit ng lalaki, napansin na ang pagtagal nang patagal na pag-aantay ng isang waiter sa gilid namin.

    “Ikaw na muna, Sir,” sagot ko. Ang totoo, hindi pa talaga ako makapili dahil gusto ko ang lahat ng nasa fish section, kaya naman naging torture sa bibig ko ang pagpili.

    Sa pananatili ko kasi sa Maynila, ito ata ang unang beses na makakakain akong muli ng isda. Hindi rin naghanda si tatay ng isda nang bumisita ako dahil naroon daw ang boss ko.

    ‘I really missed you, my dear fishes. Noon, parang palagi akong may buffet ng mga isda kapag nakakahuli nang marami si tatay pero ngayon hindi ko na halos alam ang lasa,’ pagdadrama ko sa isip.

    “I’ll go with Poached Cod With Potatoes and Leeks, please.” Maliit ang ngiting sumilay kay Mr. Cortez nang harapin niya ang babaeng naroon at ibinigay ang menu board, pagkatapos ay sa akin naman ito bumaling.

    “Ewan,” ani ko, tahasang ibinaba ang hawak. Hindi pa rin talaga ako makapili dahil lahat gusto kong tikman. “I’ll go with the one na may pinakamahabang pangalan, Sir, Miss.”

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon