Isang probinsyanang mataas ang pangarap sa magulang ang tingin ni Ivy sa sarili. Hindi niya nagawang makatapos ng pag-aaral pero malakas amg loob na makikipagsapalaran sa Maynila.
Simpleng babaeng may simpleng pangarap at pamumuhay.
Sa pagdating ni...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dalawampu’t anim
I know I am at our house but I don’t feel at home anymore. Sinabi kong aantayin ko ang paliwanag ng mga magulang. Sinabi kong wala ako ni isang paniniwalaan pero unti-onting dumadausdos patungo kung saan ang aking tiwala.
Takot akong mawala ang mga ito.
Takot ako sa pupwede kong magawa at masabi.
We were once a happy family. Hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko sa pagkakataong ito, dahil mas gugustuhin ko pagbuntungan ng galit ang pagpunta sa Maynila para lang malaman ang lahat. Nakakatawa man, ngayon pa lang ay hinihiling kong sana ay wala na lang akong alam.
Napakaselfish ng bagay na iyon. Gusto kong hilingin na habangbuhay na lang akong manatili sa piling ng mga taong itinuring na magulang gayong nay pamilya pala akong nag-aantay sa akin.
I understand that no one is perfect therefore; there is no perfect happy family. Naiintindihan ko iyon, tinatanggap at niyayakap nang buong-buo kaya hindi ko kailanman aasahan na iyong mga taong unang-una kong pinagkatiwalaan, iyong mga taong minahal ko rin nang buong-buo. . . iniisip ko pa lang na niloko nila ako, na pinaniwala nila ako sa isang bagay na hindi naman totoo, titigil ata sa pagtibok ng aking puso.
Nakakatakot na kamuhian ko ang mga ito, na hindi ko na sila gugustuhing makita pagkatapos ng lahat.
“Anak, bakit hindi ka naman nagsabi?”
Kitang-kita ko pa rin ang ngiti ng dalawa habang tuloy-tuloy akong inaasikaso. Kahit sila, walang kaalam-alam sa nangyayari kaya naman mabilis pumasok sa isip kung paano kapag biktima lang din ang mga ito? Paano kung pinagsamantalahan lang ng kung sinong tao ang kahinaan ng mga magulang ko?
“Ayos ka lang ba, ‘nak?” Hinarap ako ni tatay pagkatapos ay dinampian ng palad sa noo, marahang tsinek kung mainit ito. “Mukhang pagod na pagod ang prinsesa namin!”
Normal ang sitwasyong ito para sa amin. Normal na i-baby nila ako at todo-todong alagaan, at ang normal na iyon ang dahilan ngayon ng magkakahalong sakit na nararamdaman.
“Nako, Isaac, pagpahingahin mo na muna ‘yan si Ivy. Panigurado, nahilo ‘yan sa byahe.”
Todo-todo ang pagkalampag ng dibdib ko. Hinatid ako ni tatay sa kwarto at nagbilin ng sandamakmak pero hindi ko na rin nagawang makasagot dahil sa malayang paglipad ng isip.
“Tama, panaginip lang ‘to,” mahina kong saad sa sarili. Itutulog ko lang, pagkatapos ay magiging okay na rin ang lahat.
Ihiniga ko ang sarili, kaya lang nang maging tahimik sa loob ng isang saradong kwarto ay mas lumala pa ang aking mga naiisip.
Kung ako si Athena, nasaan ang sarili kong mga magulang?