Apat

3.3K 99 4
                                    

Apat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Apat

    Tahimik kong nilabas isa-isa ang pagkaing binili ko sa isang convenience store. Minabuti ko nang dito kumain sa opisina para makatipid din sa oras. Hindi ko naman masasabi kung ano ba ang ibig sabihin ng ‘ASAP’ na iyon ng boss.

    Binuksan ko ang biniling cup noodles saka dumeretso sa water dispenser na naroon para makakuha ng mainit na tubig.

    “In fairness, sobrang ganda ng opisina nu’ng lalaking iyon,” pakikipag-usap ko sa sarili. “Sobrang laki. Kasing laki ata ‘to nu’ng gym sa University sa probinsyang balak ko sanang pasukan sa college.”

    But you see, I didn’t had a chance to go with that dream. Alam ko kasing mas kailangan ko nang banatin ang katawan para makakuha ng pera. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay aasa ako sa mga magulang lalo na’t nakikita ko ang hirap na pinagdadaanan ng mga ito.

    Pabalik ako sa mesa nang bumagsak ang tingin ko sa maliliit na paso ng iilang bulaklak sa gilid ng opisina. Walang sikat ng araw ang nakakarating sa mga halaman kaya kahit sa malayo ay masasabi kong hindi na iyon napapansin ng lalaki.

    Hindi siya mahilig sa plants, sigurado.

    Nang makabalik sa mesa ay nilantakan ko na ang cup noodles na binili kasabay ang isang bote ng tubig na galing din sa labas.

    “That’s your lunch?”

    Sa gulat ay napabaling ako agad sa lugar na pinanggalingan ng boses at bumungad doon si Mr. Cortez. Sandali kong nilingon ang relong pambisig. Wala pang ala una ng hapon pero nakabalik na siya?

    “Y-Yes, Sir,” sambit ko saka tumayo. “Kumain na po ba kayo?”

    Parang naging hangin lang ang sinabi ko dahil tumalikod agad ang lalaki at bumalik sa labas.

    “Galit ba siya?” wala sa sarili kong bulong sa kawalan.

    Imbes na magtagal sa pag-iisip ay minadali ko ang pagkain. Pagkatapos ay sinunod ko naman ang paglilinis ng lugar. Nilipat ko rin ang mga halamang nakita kanina sa glass wall na siyang hinawi ko rin ang kurtina para tumampad ang sikat ng araw sa maliliit na paso.

    “That’s better. . . ah, wait.”

    Kumuha rin ako ng tubig mula sa water dispenser na naroon, nilagay sa walang lamang water bottle at dahan-dahang dinilig sa mga halamang kaonting araw pa ay mamamatay na.

    “That’s more like–”

    “What are you doing?”

    Sa gulat ay nabitawan ko ang water bottle na hawak at nabuhos iyon sa sahig.

    “Sorry, Sir.” masuyo kong sabi.

    “I said, what are you doing?” pag-uulit pa nito na parang hindi nakita ang ginagawa ko.

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon