Isang probinsyanang mataas ang pangarap sa magulang ang tingin ni Ivy sa sarili. Hindi niya nagawang makatapos ng pag-aaral pero malakas amg loob na makikipagsapalaran sa Maynila.
Simpleng babaeng may simpleng pangarap at pamumuhay.
Sa pagdating ni...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lima
Laglag-panga kong sinimulan ang araw ko sa trabaho. Hindi ko pa sana maigagalaw ang buong katawan, mabuti na lang ay kaagad na lumapit si Attorney Flores sa akin.
“Attorney, ano pong nangyayari? Mga. . . mga gamit ko po ‘yan, hindi ba?”
Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla? Umagang-umaga ay nagkukumpulan ang mga empleyado sa labas ng opisina ni Mr. Cortez habang sinusundan ng tingin ang mga gamit kong papalabas sa kwartong iyon.
“Good morning, Miss Lorenzo.” paunang bati nang lalaking sinuklian ko rin. “Mr. Cortez is transferring your things to your new office,” dagdag pa niya saka itinuro ang kwartong halos katapat lang din ng opisina ng boss.
Mabilis kong dininig ang iilan pang bilin ng abogado pagkatapos ay tumuloy sa sariling kwarto.
Kunot-noo kong ibinagsak ang bag na hawak. Hindi ko maintindihan kung tatawa ba ako o magwawala na lang basta. “What was that?”
Gulong-gulo ako nang sinubukang maupo. Lagpas na alas otso at paniguradong abalang-abala na ang mga tao sa opisina pero heto ako’t lumilipad pa rin ang utak kung saan-saan.
Wala sa sariling kong hinalukay ang maaaring maging dahilan kung bakit biglang pinalayas ako sa dati kong opisina.
“Anong ginagawa mo kasama ang mga lalaking ‘yun?” Madramang napapikit ang lalaki habang diretso lang ang tingin ko rito. “Athena, nag-iisip ka ba talaga? Alam mo ba kung gaano kadelikado ang Mallik na ‘yun? You should mind what you are doing! Bullshit!”
“Bullshit ka rin!”
“Hindi nga sabi ako si Athena. Ilang beses ko nang sinasabi sainyong lahat na hindi ako si Athena. Sino ba ‘yang Athena na ‘yan and ano bang kinalaman niyan sa buhay ko?”
Ang galit na mga mata ng lalaking kaharap ay mabilis na napalitan ng lungkot at sakit. “Tama. Hindi ka nga si Athena.”
Bagsak ang balikat nang mapagtanto ko marahil ang dahilan ng pag-iinarte ngayon ng lalaki. “No way. . ."
“Don’t tell me dahil lang do’n naging grumpy siya? Nagalit? Nabastos? O baka dahil minura ko siya?” tuloy-tuloy kong kinausap ang sarili’t animo’y walang balak na magsimula sa trabaho. “I am very sure it was about Athena!”
Ubos na ang pasensya kong magtanong sa sarili. Nagmamadali kong ibinukas ang computer na naroon at kaagad na nagtipa.
Athena at AC Construction? Wala.
“Athena. . . Cortez?” Mabilis kong ipinagpalagay na mag-asawa ang dalawa. Sa kilos kasi ng lalaking iyon ay parang mas malalim pa sa magkasintahan ang ayos nila. “Wala rin?”