Tatlumpu't dalawa

2.2K 66 2
                                    

Tatlumpu’t dalawa - Behind the plan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tatlumpu’t dalawa - Behind the plan

Athena Pelayo

Nathan Alfonso

4:50 PM
Where are you? Nasa apartment pa ba? I need to see you
Pauwi pa lang ako, Vy

5:02 PM
Im on my way
May gusto ka bang kainin?
Don't tell me ur still crying

5:15 PM
Shit, Ivy
Where are you?
Bakit wala ka rito
Shit naman, malalagot ako nito kay Eunice

5:18 PM
Did you really left us?
Eunice is furious

TATLONG BUGOK
6:45 PM

Athena
I’m sorry, Nath, Eu

    Ibinaba ko ang cellphone matapos magtipa ng mensahe para sa mga kaibigan. Basta ko na lang ibinagsak ang katawan sa maliit na kama sa kwartong nagawa kong upahan nang makarating sa hindi pamilyar na lugar.

    Rizal. Ni hindi ko alam kung paano ako nakapunta rito. Sinakyan ko lang ang nakitang van na unang nakita sa terminal.

    Sa totoo, hindi ko alam kung ano ang magiging plano sa mga susunod na araw. Mukha lang atang tinakbuhan ko ang problema, mukhang iniwan ko lang ang pamilya sa pangalawang pagkakataon.

    Inubos ko ang oras sa pagpikit, umaasang makatulog pero hindi iyon ang nangyari dahil babad ako sa pag-iisip. Inabot ako ng hating-gabi sa ginagawa hanggang marahas na tumunog ang cellphone dahil sa isang tawag.

    Mabilis kong nakita ang pangalan ni Eunice sa screen kaya dali-dali ko rin iyong sinagot.

    “Hello?” bungad ko rito, nanatiling nakatingin sa mababang kisame ng kwarto. “Nakakalma na ba si Nathan? Mukhang mas takot ang lalaki sa’yo kaysa sa pag-alis ko.”

    Minabuti kong maging magaan. Wala rin namang mangyayari kung idadamay ko pa ang kaibigan sa pagmumukmok gayong wala pa ako ni isang plano.

    “Eunice, what’s up–”

    “Positive.”

    Hindi ko na kailangang magtanong kung ano marahil ang tinutukoy ng kaibigan. Mukhang mapapadali ang lahat dahil mabilis na kinagat ng ginang ang pain.

    “Malakas ang kutob kong ang mother-in-law mo nga ang may kagagawan ng–”

    “Shut it! She’s on my mother-in-law!” Hindi pa kami kasal ni Azrael, kaya hinding-hindi ko pa matatanggap ang bagay na iyon.

    Hindi pa, lalo na ngayong siya ang pinaghihinalaan naming utak sa nangyari.

    “But you need to listen, si. . . si Eulysis, that woman blackmailed me. Nag-a-undergo na sa chemotherapy si Eulysis at siguradong. . .”

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon