Dalawampu’t isa
Dahan-dahan kong ibinukas ang cellphone para mabilis na i-video call ang mga kaibigang kanina pa nag-aantay ng tawag ko.
Ayon sakanila, kailangan ko raw silang tawagan kapag nakarating na ako sa lugar dahil gusto raw nila akong makumusta. Nabanggit ko rin kasi sa mga ito ang takot ko sa eroplano kaya ganoon na lang din ang pag-aalala nila.
Nang magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog, nasa harapan ko mismo ang boss. Bahagya itong nagulat kaya mabilis ding nag-ayos ng upo na siya nang ikinatawa ko.
Pasalamat na lang akong ilang minuto na lang ang tinagal simula nang magising para makababa sa eroplanong iyon.
Dumeretso rin kami agad sa hotel na kilala bilang H&H. Hindi ko nga alam may ganitong branch pala rito at labis kong ikinabilib iyon. Sa commercials ko lang nakikita ang lugar na ito kaya naman nakakabilib na nandito na ako ngayon.
“Kwento!” mahaba-habang sambit ni Eunice nang bumungad ito sa screen ng aking cellphone. Nasa likod nito si Nathan na busy naman sa ginagawa sa harapan ng laptop.
Sinabi ko sa mga kaibigan ang lahat-lahat nang nangyari. Ang panginginig ko dahil sa sobrang takot sa eroplano, ang calming pill, ang mahimbing na tulog pati na ang nag-aalalang mukhang isinalubong sa akin ni Mr. Cortez nang magising.
I also told them na patagal nang patagal ay mas lalo akong naku-confuse sa lalaki. Hindi naman kasi iyon ang unang beses na nakaramdaman ako ng pagiging komportable sa piling niya.
Gulong-gulo kong ibinagsal ang ulo sa maliit na mesang naroon at malakas namang napasigaw si Eunice. Naiinis kasi ito sa tuwing sasaktan ko ang sarili.
Nangingisi akong tumingin sa mga ito, hindi rin nakayanan at pinahawalan na ang malalim na paghinga.
“Paano kung ganito gawin mo, Ivy? Itanong mo kung sino ka ba talaga? Hold his hand. Baka doon natin malaman kung ano ang totoo at hindi,” punong-puno ng sinseridad na sambit ng lalaking kaibigan.
Malaki at malaman ang punto nito pero wala akong ibang magawa kundi ang mapailing. “Ang iniisip lang na truth ng tao ang pwedeng ma-test, Nath. Hindi natin ‘yun pwedeng pagbasehan. He could think of me as Athena, kaya kapag tinanong ko siya kung ako ba talaga si Athena, kung ano sa tingin niya ang totoo, iyon lang ang malalaman natin.”
“Ha?” gulong-gulo namang sabi ni Eunice na pinalipas pa ang ilang minuto sa pag-aanalisa ng sinabi ko bago tuluyang magtanong.
“Kung iniisip niyang ako si Athena, iyon ang totoong malalaman ko sakanya. Walang concrete na basis kaya hindi rin natin malalaman ‘yung totoo,” pag-uulit ko, umaaasang magagawa nang maintindihan ng babae.
“If so, ano na lang ba ang pwede nating gawin? Hindi naman pwedeng tiisin mo na lang kung anong nangyayari sa’yo–”
“We need to do something.”
BINABASA MO ANG
The Mistaken Wife
Fiksi UmumIsang probinsyanang mataas ang pangarap sa magulang ang tingin ni Ivy sa sarili. Hindi niya nagawang makatapos ng pag-aaral pero malakas amg loob na makikipagsapalaran sa Maynila. Simpleng babaeng may simpleng pangarap at pamumuhay. Sa pagdating ni...