Labing-lima

2.4K 77 2
                                    

  Labing-lima      Ilang oras lang akong nakatitig sa birthday invitation na hawak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  Labing-lima
 
    Ilang oras lang akong nakatitig sa birthday invitation na hawak. Tuwid ang tingin ko sa malinaw na litrato ng batang hindi ko naman kilala. Nakauwi na ako’t lahat, tulog na rin ang mga kaibigang kasama pero naiwan akong nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang invitation na iyon na, pilit na inaalala kung saan ko marahil nakita ang bata.

    Sinabayan pa iyon nang hindi maipaliwanag na pagsakit ng dibdib. Nagtutuloy-tuloy ito kahit pa hindi ko kaharap ang maliit na piraso ng papel na iyon.

    Do I feel sad dahil naaawa ako sa bata na nawalan ng ina sa murang edad? I have a strong empathy pero para iyon sa pamilya, mga kaibigan at kakilala kaya ganoon na lang din kalaki ang pagtataka ko.

    I didn’t even know the kid pero parang ako ang namatayan dahil sa hindi matigil na pagluha.

    Hindi ko maalala kung paano ako nakatulog sa ayos na iyon, basta nagising na lang akong prente nang nakahiga sa ibabang bahagi ng kama at wala na si Eunice sa tabi ko.

    Dali-dali akong bumalikwas at walang kabuhay-buhay na kumilos para makapasok. Dinampot ko rin ang invitation na kahapon pa bumabagabag sa akin at inilagay sa bag.

    Ayaw ko na munang isipin. Bukod sa nawi-weird-uhan ay mas tumitindi lang ang takot ko sa kung anong ang nangyayari sa sarili.

    “Who’s the kid?”

    Bumagsak na lang ang mga balikat ko nang makalabas dahil sa pambungad na iyon ni Eunice. Pinagmasdan ko naman si Nathan na mayroong pag-aalala sa mga titig. Sinabi ko pa lang na hindi ko na muna iisipin ang tungkol doon.

    Seryoso ang ekspresyon ko sa mukhang ibinagsak ang sarili paupo kaharap ng mga kaibigan. “Hindi ko kilala,” simpleng sagot ko lang saka nagsimulang dumampot ng pagkain.

    Kaagad namang hinawakan ni Eunice ang kamay ko, “Lying!” Ginawa nito ang kung anong ginagawa ko sa kamay para malaman ang totoo.

    “Fine. He’s my boss’ son—”

    “May anak na si Mr. Cortez?” gulat namang tanong ni Nathan na talagang napatigil pa sa pagkain.

    Tinanguan ko lang ito, hindi nagpapaawat sa pagkain. Mukhang naubos ata ang laman ng tyan ko kagabi’t nagtransform bilang mga luha.

    “And then?” hindi pa rin makuntentong gagad ng babaeng hindi ko talaga kahit kailan mapapaglihiman. Hindi lang kasi kami basta malapit, kilalang-kilala rin naming ang isa’t-isa.

    “That’s all?” Sinubok ko pang muling magsinungaling pero hindi iyon bumenta sa babae. Samantalang tahimik pa rin hanggang ngayon si Nathan pero ramdam ko rin ang pag-aalala nito.

    “I saw you,” she said as a matter-of-factly. “You know you can trust us, right? Hindi na muna ako nanggulo kagabi pero nag-aalala kami sa’yo ni Nath.”

    Ngumisi muna ako, ilang minutong nagpatuloy sa pagkain pagkatapos ay tuluyang sumeryoso ang mukha. Kung iisipin ko pa lang kasi ay hindi na nagpapaawat ang pagsikip ng dibdib ko.

    “Hindi ko alam,” mangingiyak-ngiyak ko nang sabi.

    Kaagad namang iniurong ng dalawa ang upuan palapit sa akin.

    “Hindi ko kilala ‘yung bata. ‘Yung picture niya, doon ko lang siya unang nakita pero hindi ko alam kung bakit hind ako matigil sa kakaiyak simula pa kahapon. H-Hindi ko. . . maintindihan, Eunice, parang may nakabara, hindi ako makahiinaga dahil sa sakit pero hindi ko naman alam ‘yung dahilan.”

    Ramdam ko na ang paulit-ulit na paghagod ni Eunice sa akinh likod. Si Nathan naman ay mabilis na kumuha ng tubig at iniabot sa akin.

    “Nakaka-frustrate kasi alam kong hindi ko naman kilala ‘yung bata pero hindi ko alam kung bakit din ako nagkakaganito.”

    “Mukhang gulo lang ang makukuha mo sa pamilyang ‘yan—”

    Nakita ko ang mahinang pagsiko ni Eunice kay Nathan, pinatitigil ito sa pagsasalita.

    “I thought about that, too. Gulong-gulo na rin ako. Bakit nangyayari sa akin ‘to? Maayos naman ang buhay ko sa probinsya. Wala akong kaalam-alam sa buhay sa Maynila kaya bakit ako? Bakit ang hirap naman ng ibinigay sa akin?” madamdamin kong sabi. Nagsisimula na naman akong hindi makahinga kasabay ng pagsikip ng dibdib.

    My friends know this for a fact, I am not that very strong girl. Pinanganak daw talaga akong sakitin at mahina ang mga buto. Kahit sa emosyonal na aspeto ay bagsak din ako.

    “Are you going?”

    Nahimigmigan ako sa tanong ni Eunice. Hindi ko pa kasi nagawang mapag-isipan man lang kung pupunta ako dahil wala na akong ginawa simula kahapon kundi ang umiyak.

    “Do I need to go?” pagbabalik ko ng tanong, maski ako ay walang ideya.

    “If you decided to go and face the kid, you’ll be breaking his heart. Hindi makakatulong kung makikita ka niya, in fact, mas papaasahin mo siyang buhay pa ang mommy niya,” matamang sagot ni Nathan. “We don’t want that to happen. Kung si Mr. Cortez nga napagkamalan ka, lalong-lalo na ‘yung bata.”

    Kagad namang sumang-ayon si Eunice roon, “Hindi ka na muna dapat magpakita, Ivy. Kahit ako, nadudurog din ang puso ko sa sitwasyon mo.”






“Hindi ako pupunta.”
Nawala ang ngisi ni Mr. Cortez sa sinabi kong iyon. Inabutan pa ako nito ng isang paper bag na pakuwari ko’y isang damit mula sa mamahaling brand. Mukhang iyon ata ang damit na ipasusuot niya sa akin sa party kahit pa hindi naman ako magpupunta.

“Gano’n ba?” Hindi halata sa mukha ngunit ang boses niya ang naglaglag sakanya sa totoong ekspresyon.

“Pasensya na po, Sir.”

I knew all the way na hindi ako maaaring magpunta. Hindi ko sasaktan ang damdamin ng bata lalo na’t kaarawan nito.

    Tama. Tama ang mga kaibigan. This is the rightful thing to do.

    Napayukom na lang ako ng kamao sa harapan ng boss.

    “Tanggapin mo pa rin ‘to. Hindi ko alam kung kanino ko pa ibibigay. You can use this to our next meeting.”

    Mabigat ang loob kong tinanggap ang binigay niya. Hindi ako nalinawan sa lahat ng nangyayari at may bumubulong sa aking magpunta sa party na iyon kahit pa alam kong hindi dapat.

But why do I feel this way? Bakit sa mabilis na panahon ay kinokontra ko na ang isip? Bakit hindi na nagkakasabay sa paggana ang puso’t isip ko?

    Sa hindi mabilang na pagkakataon, muli kong pinagbuhusan ng atensyon ang maliit na invitation. Akala ko ay naubos na ang mga luha ngunit hindi pa rin ito pumalya sa pagragasa sa pisngi ko.

    Kung nandito ang mga magulang, paniguradong magagalit ang mga ito sa hindi natigil na pag-iyak. Hindi kasi maganda ang kalalabasan nito.

    Nakatukod ang mga kamay ko sa kung anong pwedeng makapitan para lang makakuha ng tubig sa water dispenser na naroon.

     Nakakapanghina. Nakakapanlumo.
   
    Why I am like this?

    Kung totoo man ang past lives, ano kaya ang ginawa ko sa nakaraang buhay para maparusahan ng ganito ngayon?

    Bakit sumasakit, naninikip ang dibdib ko sa isang taong hindi naman kilala?

    Bakit ramdam ko ang kulang? Bakit ramdam kong may mali?

    Hindi ako magpupunta, iyon ang pinakatamang gawin. Pero nang pumatak ang alas siete ng gabi katulad nang nakasaad sa invitation ay tumapak ako sa mismong harapan ng bahay ng mga Cortez.

    Nanginginig ang mga kamay ko’t paulit-ulit itong pinapahid sa puting cocktail dress na si Mr. Cortez mismo ang bumili.

    Hindi ko dapat ginagawa ito, ngunit parang tuluyan na akong nawalan ng kontrol sa isip at mga paa.

    Ang totoo, gusto kong malaman kung bakit. Bakit sa walang humpay na pagkakataon, nasasaktan ako kapag nakikita ang bata? Bakit ilang beses ko na ring naramdaman ang pagbigat ng pakiramdam tuwing maaalala ko kung paano nangungulila ang boss kay Athena?

    Malaki ang pakiramdam kong nasa loob ng residensiyang ito ang sagot sa lahat ng tanong ko kaya hindi ko na iaaatras pa ang mga paa.   

    Maaaring naging selfish ako sa desisyon kong ito at hindi ko isinaalang-alang ang mararamdaman ng bata pero bahala na.

    Ilang beses akong nagbuntong-hininga, dalawang beses na pinindot ang doorbell habang paulit-ulit na nananalangin.

    Sana handa ako sa kung ano man ang malalaman at mapagdadaanan. Sana kayanin nang mahina kong puso ang lahat.

    Ilang minuto lang akong nag-antay bago magbukas ang pinto ng napakalaking bahay na iyon. Malaki ang ngisi ng isang babae nang makita ako ngunit pagkaraan lang ng ilang segundo ay napawi ang ngiti nito.

    Mariin niya akong tinitigan kaya naman tinapatan ko ang titig nito. Ngingiti sana ako nang makita kong bahagya nitong naiatras ang mga paa.

    “M-Ma-am Athena?”

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon