Sabik na sabik kang hinila ng iyong kasintahan sa isang lugar. Natatawa ka pang makita ang kapanabikan niyang parang musmos. Pagdating doon ay buong pagmamalaki niyang ibinida ang ilang araw nitong pinagpaguran at pinaghandaan. Ngunit ng pipindutin na niya ang buton para sa kanyang supresa'y hindi ito gumana na labis niyang ikinadismaya.
Nagpresinta kang tingnan ang baterya't hinarang ang katawan upang 'di niya makita ang iyong gagawin. At gamit ang iyong daliri'y pinadaluyan mo ng maliit na boltahe ng kuryente ang terminal nito. Nang buksan niya ulit ang buton ay lumiwanag ang isang billboard na nagsasabing, "Happy Anniversary, Mahal ko!"