Naisipan linisin ni Yowen ang kanilang bodega at humanap ng interesanteng bagay. Pumukaw sa atensyon niya ang isang lumang salamin, nilapitan niya ito't inusisa. Nabigla ang binata sapagkat hindi niya repleksyon ang rumehistro. Kaysa matakot ay nakipagkaibigan at nakagaanan niya iyon ng loob.
Sa paglipas ng panahon marami silang bagay na napagkwentuhan tungkol sa mundong kinabibilangan nila. Gusto man nila hagkan ang isa't-isa sadyang may mga bagay na hindi maaari. Ang salamin na siyang nag-uugnay sa kanila ay siya ring balakid at nagsisilbing hadlang. Sa palapat ng kanilang palad ay siyang huling gunita nila sa nabasag na pangako.