8. Flicker

1.1K 57 8
                                    

Nakahiga sa damuhan sina Melody at Randal habang pinagmamasdan ang naggagandahang bituin sa langit. Wala mang salita silang binabanggit ay naging isa naman ang kanilang himig.

Inilapit ng binata ang noo niya't idinikit iyon sa noo ng dalaga. Maya-maya'y nagsilutangan ang mga butil ng liwanag na parang mga alitaptap na nagbibigay liwanag sa madilim na parang.

Mahigpit nang niyakap ni Melody ang nobyo't nilasap ang sandaling iyon. Hinalikan ni Randal ang ulo ng kasintahan at inamoy ang mabango niyang buhok. At unti-unti'y nagiging butil na rin ng liwanag ang lalake at itinatangay paitaas habang iniwang luhaan ang kasintahan.

100 Words: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon