Paglalaro ng gadget at pagpasok sa eskwelahan ang pinagkakaabalahan ni Luc araw-araw. Hiwalay ang kanyang mga magulang kaya madalas siyang mag-isa sa condo na binili sa kanya. May kanya-kanya na kasing pamilya ang mga ito't sinusustentuhan na lang ang binata sa pang-araw-araw niyang gastusin.
Isang araw habang namimili siya ng bagong laro para sa kanyang ps4 ay pumukaw sa kanyang atensyon ang isang larong wala sa listahan. Binili niya ito't agad na umuwi.
Sa pagbukas niya ng game console ay gumawa agad siya ng character. At nang matapos at pangalanan niya ito'y biglang lumabas iyon sa screen at nagkatawang tao.