36. Space Out

303 29 0
                                    

Tatlong dekada ng hinahanap ni Veraso ang isang mahiwagang bayan na biglang naglaho. Matiyaga siyang humanap ng ebidensya't naglakbay sa mga malalayong lupain.

Nakarating siya sa isang guhong isandaan taon na ang tanda ngunit gaya ng mga napuntahan niya ay bigo pa rin siyang kumalap ng kaukulang impormasyon.

Sa inis niya ay nasipa niya ang isang rebulto dahilan para bumukas ang isang lihim na lagusan. Pinasok niya ito't narating ang pinakadulo.

Tumambad sa kanya ang tambak ng mga kalansay ng tao na pumapalibot sa isang pentagram na gawa sa tuyong dugo. Napatapak siya sa bilog at nagliwanag ito't hinigop siya.

100 Words: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon