Nagising si Lerd sa isang magarang silid na labis niyang ikinataka. Naalala niyang hinimatay siya kagabi ng makita ang duguang binata at dalawang lalaking pinatay nito.
Lumabas siya ng kwarto't inalam kung mayroong tao sa paligid. Sa kanyang paghahanap ay halos mapanganga siya sa magarbong disenyo ng bahay hanggang sa nakabangga niya sa pasilyo ang binatang nagligtas sa kanya at nagpakilalang si Newoy; Isang diablo na pinadala ng impyerno upang lupilin ang mga demonyong nag-aklas sa trono ni Satanas.
Noong una ay hindi naniniwala ang dalaga ngunit nang ipakita ng binata ang totoong anyo bilang patunay ay hinimatay ito.