Kakauwi lang ni Julien galing eskwelahan ng maisipan niyang dumaan muna sa bahay ng kaibigang kalalabas lang sa ospital.
Nakipagkwentuhan at nakipagkulitan muna siya rito bago tuluyang magpaalam. Sa paglalakad ng dalaga sa kahabaan ng mapunong daan ay umihip ang malakas na hangin at tila may boses siyang narinig.
Pinakinggan niya itong mabuti at napagtantong galing iyon sa mga kaibigang diwata. Dinala siya ng mga ito pabalik sa bahay ng kaibigan na nakatayo lang sa harap ng isang bintana.
Mula roon ay dumungaw ang isang binata na may hawak na plakard. Halo-halong emosyon ang naramdaman ng dalaga at napaluha.