32. Spiral

291 30 1
                                    

Tuwing umaga ay namimitas si Vivi ng halamang gamot sa gubat upang maging panandaliang lunas sa sakit ng ama. Nang sapat na ang nakuha ng dalaga ay nagpasiya na siyang umuwi. At sa pagdaan niya sa gilid ng ilog ay nakatawag pansin sa kanya ang isang nanghihinang puting kabayo.

Paglapit ay namangha siya sa ganda at sungay na meron ito. Sa kanyang isipan ay kinausap siya nito't humingi ng tubig. Agad sumalok ang dalaga sa isang dahon at pinainom ang kabayo. Nagpasalamat ito't binigyan ang dalaga ng makinang na pulbos mula sa sungay niya bilang lunas sa ano mang karamdaman.

100 Words: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon