58. Cosmic Love

182 31 3
                                    

Kahit maiksing panahon lang ang pinagsamahan ay naramdaman ko ang wagas na pag-ibig na iyong inalay. Sa kabila ng pagsubok ng tadhana'y nariyan ka pa rin at nakaalalay. At sa pagharap natin sa pinakamatinding hamon ay masaya kong hawak ang iyong kamay habang pinagmamasdan ang maamo mong mukha.

Sa pagiging iisa ng daloy ng ating enerhiya't pag-asa nakalikha tayo ng malakas na sandatang gagapi sa hari ng karimlan.

Nagkaroon ang mundo ng liwanag mula sa matagal na paglugmok sa kasawian at pagdurusa.

At kahit magiging alaala na lang tayo'y hindi ako nagsisising nilapitan kita ng araw na iyon.

100 Words: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon