87. Fallen

56 7 2
                                    

Tumatakbo ang magkapatid na Irvine at Kelly patungong kakahuyan at halatang may kinakatakutan

Sa kanilang pagtigil ay isang liwanag mula sa langit ang biglang tumama kay Kelly. Kitang-kita niya kung papaano unti-unting nalulusaw ang kapatid. Sa pagkawala ng liwanag ay nanatili siyang nakatayo't umiiyak.

Kasunod ng pagbagsak ng puti't makintab na tila balahibo ng ibon at isang nakakabighaning pigura ng babae ang napansin niya. Nakangiti ito't sabay kumpas ng kanyang kamay.

At nahulog muli sa langit ang isa nanamang liwanag direkta sa kanya, ngunit wala itong naging epekto bagkus nilamon lang ng itim na enerhiyang pumaligid kay Irvine.

100 Words: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon