74. Essence

68 18 0
                                    

Nagising ka sa kakaibang musika ng isang instrumento. Nahalina ka dito't kaya naisipan mong lumabas upang tukuyin ang pinanggagalingan nito.

Nagulat ka ng makita mong maraming tao ang tila wala sa sarili't sinusundan ang kakaibang himig. Dala ng iyong kuryusidad ay napasunod ka rin.

Sa dulo ng kakahuyan ay naroon ang isang tolda at lalakeng tumutugtog ng plauta. Pumasok ka sa loob 'di alintana ang iyong kahinanatnan. At isang tumpok ng mga ginto ang iyong nasaksihan.

Nanlaki ang iyong mga mata't napatakbo ka dito. Sa paghawak mo sa mga ito'y naging mga pugot na ulo ang tumpok na mga ginto.

100 Words: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon