Isang de makinang sisidlan ang biglang lumitaw sa tabi ng ilog. At nang bumukas iyon ay lumabas ang kulay berdeng likido mula roon kasabay ng pagluwa rin ng isang lalaking nakahubo't hubad.
Sa pagdilat ng lalaki'y inalisa niya muna ang paligid at pinakiramdaman. Mabato't mapuno ang unang rumehistro sa kanyang isipan. Kahit hirap man ay pinilit niyang tumayo at subukang ilakad ang namamahid na mga paa.
Sa paglapit niya sa sisidlang makina'y may pangalan siyang nakita't alam niya kung anu ang basa kahit malabo't marami siyang hindi naalala.
PeTeR
Kasunod pag-alingawngaw nang sigaw ng isang babae ang kanyang narinig.