Nanlaki ang iyong mga mata ng masumpungan ang isang kulay gintong ahas. Sa paglapit dito'y napansin mong sugatan ito't nanghihina. At sa isang iglap ay naging babae ang naturang ahas.
Dinala mo ito sa iyong bahay at ginamot. Sa paggising ng babae'y nagpasalamat ito't binigyan ka ng gantimpala. Isang gintong barya galing sa kanyang kaliskis.
Papaalis na sana ang dalaga ng biglang dumating ang mga mangangaso. Pinagtanggol mo ang babae at sa kasamaang palad ikaw ay nasaksak at nawalan ng ulirat.
Sa paggising mo'y wala na ang iyong sugat habang katabi ang natutulog na dalaga na may bahid ng dugo.