Masayang nagbabakasyon ang pamilyang Altis sakay ng isang yate na nakahinto sa kalagitnaan ng dagat. Dito'y masaya silang namimingwit hanggang sa maaksidenteng mahulog ang panganay na lalake sa tubig dahil sa labis na kasiyahan sa nahuling isda.
Ikinampay niya ang kanyang paa't kamay para umahon ngunit may pwersang humihila sa kanya pailalim. Sa kanyang pagdilat ay isang kakaibang mundo sa karagatan ang kanyang nasaksihan. Nabigla rin siya ng lapitan ng isang magandang sirena sabay wika,
"Hindi pa ito ang takdang panahon, mahal na prinsipe."
Nakaramdam siya ng antok at sa kanyang paggising ay nasa yate ito na parang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
100 Words: Arcane
FantastikIsandaang mahiwagang kwento sa loob ng isandaang salita.