99. Tale: Spark

68 8 2
                                    

Matinding kadiliman. Ito ang bumalot sa bayan ng Valk dahilan upang dumanas ito ng matinding lamig at lungkot kaya minabuti ng mga naninirahan dito na lumisan.

At tanging si Meera na lang ang nagtitiyaga na manatili sa kanyang bahay, kahit pa walang kasiguraduhan ay patuloy siyang kumakapit sa pag-asa't nagdarasal ng isang himala.

Hanggang sa isang araw ay may biglang kumatok sa pinto ng kanyang bahay. At sa pagbukas ni Meera ay bumungad sa kanya ang isang lalaki kasabay ng mainit ngunit banayad na ilaw sa likod nito.

Nagkatitigan sila pareho't napaluha.

Mga huling alaala niya sa kanyang pagkakahimbing.

100 Words: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon