13. Tribute: Desire

694 46 4
                                    

Nakasalanpak ka sa malamig na semento habang dinadaan daanan ng mga nagmamadaling paa. Nakayuko ka't nakatitig sa walang lamang plastic cup sa harapan. Sa mga sandaling iyon ay nakakaramdam ka na ng matinding pagkalam ng sikmura. Gusto mo mang magmakaawa para sa kaunting barya ay wala ka ng lakas at sumuko na sa mapanghusgang mata. Napatingin ka sa inalok ng estranghero, isang botelyang may lamang butil ng kristal.

"Humiling ka." Malinaw mong narinig ang katagang iyon kahit pa sa gitna ng ingay ng siyudad. Napapikit ka at sa iyong pagmulat ay kaharap mo na ang mga taong matagal ng inasam.

100 Words: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon