61. Genesis

140 27 1
                                    

Ilang araw na lang ay napipinto na ang pagpasok ng taglamig sa bansa ng Yuzon, kaya naman abala si Jet na kumuha ng mga tuyong sanga na kanilang magiging panggatong. Pabalik na siya sa bayan ng makakita siya ng kumikinang sa 'di kalayuan.

Nilapitan niya ito't namangha ng mapag-alaman niyang isa itong itlog. Saktong paglapit niya'y unti-unting napisa ito. At lumabas mula roon ang isang naglalagablab na inaking ibon na kulay ginto.

May tila boses na narinig ang binata at laking gulat niya na kinakausap siya nito sa kanyang isipan.

"Nalulugod akong muli tayong nagtagpo, mahal na hinirang."

100 Words: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon