23. Rhythm

400 32 0
                                    

Sa ganda ng panahon ay 'di ko maiwasang mapasayaw sa daan. Habang nakapasak ang earphone sa tainga ay sinasabayan ko ang indayog ng paboritong kong tugtugin. Walang tao sa lugar upang ako'y mahiya o mag-alinlangan. Sa bawat galaw ng aking paa't kamay ay siya naman pag-ihip ng banayad na hangin at nagpapakalas sa mga tuyong dahon sa mga puno. Sa patuloy na pag-indayog ay nakalikha ako ng mga maliliit na ipo-ipo na naglalakbay sa hardin ng mga bulaklak at humagip sa mga talulot nito. Lumikha ito ng napakagandang tanawin sa ere kasabay ng pagtatapos ng kanta.

100 Words: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon