Ano bang magagawa ng isang musmos na gaya ko laban sa krisis na kinahaharap ngayon ng kaharian?
Ang makitang unti-unti kaming masakop ng mas malakas na dayuhan, ang bumabasag sa magandang imaheng mayroon ako.
Binuwis nila ama't kuya ang kanilang buhay para sa kapakanan ng lahat. At sa pagpatak ng bawat luha'y aking inaalay sa kanila ang pagtugtog ng plauta kahit narito lang ako sa mataas na pader at tinatanaw ang nagaganap na madugong labanan.
Sa hindi maipaliwanag na pangyayari'y nakagawa ako ng maluwalhating musika na nagbigay sa aking kababayan ng lakas at liksi na nagpawaksi sa mga kalaban.