Dahil sa kagandahang asal na madalas ipakita ni Zephyr ay niregaluhan siya ng isang binhi ng isang ginang. Hindi naman nagtaka pa ang binata't tinanggap na lang ito ng walang alinlangan.
Agad niya itong tinanim sa likod bahay at kinaumagahan sa kanyang paggising ay mahigit isang dipa na ang laki nito. Mas lalo pa siyang nagulat ng tila may mukha ito't nagawang makipag-usap sakanya.
Sa taranta niya'y napakuha siya ng palakol para tagain sana ang hinihinala niyang may pagkamalignong nilalang. Ngunit napatigil siya ng biglang mamunga ito ng gintong barya. Mula noo'y namuhay siyang marangya habang tumutulong sa iba.