Nasa huling bahagi na si Ben sa pagsusulat ng kanyang akda ng napatigil siya't napatingin sa labas ng bintana. Tumitig sa maaliwalas na kalangitan at 'di napigilang mapaluha sa nakita.
Maraming alaala ang sa kanya'y nanunumbalik ngunit paunti-unti ring nagiging malabo hanggang sa tuluyang kainin ng dilim.
Ang kulay asul na kukumpleto sa bahaghari ay wala na, habang ang ibang kulay ay may kanya-kanya ng tinatahak na landas.
Sa huling sulyap niya'y napuno siya ng kagalakan at maging asul na liwanag na pumaitaas sa himpapawid.
Ang huling akdang kanyang nilimbag ay nanatili at hindi na nagkaroon ng wakas.