Kumukuha ng magandang tanawin si Bree sa kanyang Dslr nang mahagip ng kanyang lente ang isang lalake na nakaupo sa gilid ng batuhang bangin. Kinusot-kusot niya ang mata at tinitigan iyon mabuti. Sa pagsilip ulit ng dalaga sa lente ay nawala na lang ito ng parang bula. Sa gulat ay napalapit siya sa bangin para tingnan kung nahulog ba ito. Sa kamamadali ay nadulas siya sa palusong na parte ng burol at unti-unting dumalusdos pababa ang kanyang paa. Isang lalaki ang humatak sa braso niya kaya hindi siya tuluyang nahulog. Nagising na lang siya ng wala ng maalala.