Nagising si Melody sa isang magandang hardin at sa kanyang pagbangon ay nahagip ng paningin niya ang isang lalaki.
Sa paglapit niya rito't paghaplos ng pisngi nito'y unti-unti naglalaho ito kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.
Ang kaninang malaparaisong kapaligiran ay dahan-dahang nagiging pula hanggang tuluyan siyang mapaligiran ng apoy.
Dumilim ang langit kasabay ng malakas na hangin. Sa pagtingala'y nagsimulang pumatak ang ulan.
Bumuhos iyon ng malakas at nilasap ni Melody ang lamig kahit kanina'y handa na siyang matupok ng apoy.
Isang boses ang kanyang narinig at sa paglingon niya'y isang pamilyar na pigura ang nakita.