78. Crest

50 11 0
                                    

Itinaas mo ang iyong kamao kasabay ng unti-unting pagbuo ng isang pulang simbolo. Ang simbolong rosas ng inyong kaharian, kung saan nakasalalay ang inyong karangalan at pagkakaisa laban sa mga mananakop.

Nagdulot iyon ng mga mumunting butil sa kalangitan na kalaunan ay dumikit sa mga dibdib ng kapwa mo mandirigma.

Gumuhit ang mga simbolo at nagkaroon sila ng pag-asa't lakas para harapin ang mas maraming kaaway.

"Lumaban kayo para sa kaharian at mga mahal niyo sa buhay na nais niyong protektahan!" buong galak mong sigaw na may ngiti.

Itinaas mo ang iyong palaso't pana at nanguna sa pakikipaglaban.

100 Words: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon