4. Set

1.8K 77 18
                                    

Isang buwan. Ito ang binigay na taning kay Nick ng kanyang doktor para sa kanyang lumalalang sakit. Kaysa malungkot ay pinili niyang maglakbay, habang nasa Palawan ay pumasok siya sa isang antique shop at bumili ng napusuhang antigong hour glass.

Sa pagpihit niya pabaligtad sa orasan ay nanlaki ang mata niya na biglang bumalik ang panahong kasama niyang namamasyal ang kanyang ina.

Hinagkan niya ito ng mahigpit at agad sinabihan ng "mahal kita." 

Mga salitang hindi niya nasabi noong ito'y nabubuhay pa. Sa unti-unting pagka-ubos ng buhangin sa orasan ay siyang paglisan niya sa mundo ng may ngiti.

100 Words: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon