18. Tribute: Warmth

466 30 0
                                    

Sakay ka ng isang kabayo habang binabaybay ang malawak na bukirin ng iyong ama. Nilalasap mo ang pagbalik muli sa probinsya buhat sa pag-aaral sa siyudad. Naisipan mong tumigil muna ng makakita ka ng ilog. Inilublob mo ang iyong paa upang maginhawaan. Labis ang iyong pagtataka ng mapansing hindi normal ang init ng tubig lalo na't buwan ng disyembre. May napansin kang tila may kumikislap sa likod ng malaking bato. Sinilip mo ito't namangha sa nakita, isang tao ang tila malalim ang iniisip habang nakapikit ang mga mata. Sumisingaw mula sa kanyang balat ang matingkad at mainit na apoy.

100 Words: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon