57. Summer/Rain

141 32 8
                                    

Hinihintay ko ngayon ang matalik na kaibigang si Rain at dito sa parke namin napag-usapang magkikita bago tumulak sa mall upang mamasyal.

At sa pagdating niya'y agad kong isinuot sa kanya ang tanda ng aming pagkakaibigan. Purselas na nabili ko sa isang kikay shop at regalo rin sa kaarawan niya ngayon.

Naging masaya't napuno ng tawanan ang buong araw namin hanggang sa makauwi kami sa kanya-kanya naming tahanan.

Ngunit nagbago ang lahat ng pagkagising ko kinaumagahan ng nasa katawan na ako ng isang lalaki.

Sa katawan ni Rain.

Napasigaw na lang ako't 'di makapaniwala habang nakatitig sa salamin.

100 Words: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon