Chapter 11

3.8K 65 5
                                    

Dale's POV

Present

"Nandiyan ka lang pala apo." Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Lola Betty. "Parating na ang Mommy ni Kyle, hindi ka pa nakain."

"Busog pa po ako Lola. Si Kyle Jr. kumain na po ba?" Tanong ko nalang. Sa totoo lang hindi ako busog, sadyang wala lang akong gana kumain.

Bukas ang birthday ni Kyle, hindi namin ito madadalaw sa puntod niya kasi magbabakasyon kami sa baguio. "Nakalabas na naman ang marriage certificate niyo. Ilang beses mo ba yan tinitingnan sa isang linggo?"

"Sorry Lola. Hanggang tingin nalang kasi ako eh." Huminga ako ng malalim at nilagay ito sa drawer.

"Wag kang mag-alala kahit naman mawala yan, hindi naman mawawala si Kyle sa puso mo." Tumabi ito sakin. "Dale bata ka pa, pwede ka ulit magmahal. Wag mong ikulong ang sarili mo sa taong alam naman nating hindi na babalik."

Medyo masakit yun ahh. Sapol na sapol ako, wala man lang preno ang bibig ni Lola.

"Halika na. Hinihintay ka na ng anak mo sa baba." Sabi niya pagkatapos ay nauna nang lumabas ng kwarto ko.

Araw araw akong umiiyak, hanggang ngayon hindi parin ako makamove on sa pagkawala niya. Nagtry naman ako na pumasok sa isang relasyon pero hindi ko talaga kaya, feeling ko niloloko ko siya at ang sarili ko.

Siguro kaya ako nasasaktan kasi pinanghahawakan ko parin ang pangako niya. Yung ipagsisigawan niya raw ako sa buong mundo, yung malaya kaming maglalakad na walang manghuhusga sa relasyon naming dalawa.

Narinig ko ulit ang tawag sakin ni Lola kaya bumaba na ako.

"Mommy. Let's eat." Ngumiti ako nang makita ang prinsipe ko.

"Eat a lot anak. Mahaba ang byahe natin." Sabi ko at humalik sa noo nito.

Narinig namin ang boses ni Mamita na nanggagaling sa likuran ko. "Hi everyone. Where is my handsome apo?"

"Mamita." Salubong ni Kyle Jr. sa ina ni Kyle. Malapit ang dalawang Lola sa apo nila, feeling ko nga mahihirapan itong magkagirlfriend kasi bantay sarado ng dalawang matanda.

"Are you ready?" Masayang tumango ang anak ko. "Okay. Ipalagay na natin sa driver ang mga gamit niyo." Tumango siya at tinawag ang kasambahay namin.

"Hey. Are you okay?" Ngumiti ako. "Wala munang trabaho pagdating duon. We need to relax. Spend time with your son is a must." Bilin ni Mamita.

Napayuko ako at tumingin kay KJr. Inaamin kong sobrang dami kong pagkukulang sa anak ko, hindi ako perpektong ina, katulad din ako ng nakakarami.

Sa sobrang lungkot ko, mas gusto ko pang malunod sa trabaho para mawala ang sakit dito sa puso ko tuwing naaalala siya.

'Kailan ba kasi mawawala ang sakit? Kailan ko ba matatanggap na kahit pagbali-baliktarin ang mundo hindi na babalik ang taong mahal ko.'

"Nakausap mo ba si Luca? Nagpadala ito kahapon ng bulaklak." Singit ni Lola Betty.

Napailing ako, ayan na naman ang ngiti ng dalawang matanda.

Gustong gusto nila ako para kay Luca Reyes, ang pedia ni Kyle Jr. Nakilala ko ito noong nagkasakit siya three years ago, siya ang doctor na umasikaso samin. May asul itong mga mata at matangos na ilong, wala kang masasabi sa angking kagwapohan nito. Half filipino at half american kasi ang lahi niya, matangkad at maputi tapos sobrang bait pa, down to earth kumbaga.

The Mistress Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon