Dale's POV
"I have to go." Bulong ko kay Kyle pagkatapos humalik sa noo niya.
7AM palang kaya tulog pa ito. Marami akong gagawin sa opisina kaya kailangan kong pumasok ng maaga.
Anim na buwan na ang lumipas, masasabi kong masayang masaya ako sa piling ni Kyle, nakikita ko yung effort niya na makisama samin.
Nagpahatid nalang ako sa driver sa opisina. Medyo traffic sa daan kaya nalate parin akong pumasok.
----------
"Goodmorning Ma'am." Bati ng mga taong nakakasalubong ko.
"Goodmorning." Nakangiting pagbati ko rin.
Sumakay na ako sa elevator, nasa 15th floor ang opisina ko. Paglabas ko sa eleveator sinalubong ako ni Cathy, ang secretary ko.
"Goodmorning Ma'am. Inform ko lang po kayo sa meeting niyo sa board of directors ng after lunch."
"Okay. Thanks."
"Ma'am Dale nandiyan na din po pala si Mr. Tan, pinapatawag po kayo." Nahihiyang sabi niya.
Napapikit ako, sigurado akong problema na naman ang bungad sakin ng matandang yun. "Sige sabihin mo sa board room nalang kami magmeeting."
Tumango ito at kaagad na tinawagan ang secretary ni Uncle Tan. Kapatid ito ni Mamita, isa sa pinakamagaling dito sa kumpanya. Consultant nalang siya dahil sa katandaan, ayaw namin siyang bitawan sa angking galing nito. Siya ang nag-train sakin noong naiwan ni Kyle ang kumpanya, halos nasusolusyonan niya ang lahat ng problema dito.
Sinuot ko ang coat ko at dumiretso sa board room. Ayoko naman itong paghintayin noh. "Uncle Tan." Tawag ko at nagmano sa kanya. "How are you?"
"I'm good Dale. How about you?"
"Okay din po ako." Nakangiting sagot ko. "Ano pong paguusapan natin Uncle?" May inabot siyang papeless sakin. "What's this?"
"Read it." Utos niya.
Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Apat na investors ang nagback out sa contrata. "Anong ibig sabihin nito? Nakausap ko ang may ari ng mga kumpanyang yan. Hindi sila pwedeng magback out."
"Ngayon lang nangyari ito Dale. Isang investor pa nga lang ang nagback out nagkakagulo na tayo, apat pa kaya."
Nilukot ko ang papel. "Hindi pwede. Uncle, anong gagawin natin?" Tanong ko.
Mahalaga ang mga investors sa kumpanya kaya hindi sila pwedeng mawala sakin. Tsaka malaking pera na ang nilabas ko para lang makuha sila.
Okay na lahat eh, nakausap ko na sila at nagkasundo na kami. Bakit biglang magbaback out? May mali sa nangyayari! Hindi ito nagkataon lang kundi may sumasabotahe sa kumpanya ko.
Oo inaamin ko na napabayaan ko ito ng ilang buwan mula nang dumating si Kyle, pero hindi yun rason para magback out sila ng walang explanation.
"Dalawa lang ang possibleng solusyon. Una, pakiusapan mo na bumalik ang mga investors na nagback out. Pangalawa, humanap ka ng kapalit nila within two months kung hindi tuluyan nang maba-bankrupt ang kumpanya." Napapikit ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita. "Pag-isipan mong mabuti ang desisyon mo Dale. Sayo na nakasalalay ang buong kumpanya." Tumayo na ito at lumabas na ng board room.
Pinalo ko ang lamesa. 'Alam kong pagsubok na naman po ito Panginoon.'
Bumalik ako sa opisina para pag-aralan ang magiging hakbang ko. Hindi ako pwedeng sumuko, maraming umaasa sakin sa kumpanyang ito.
BINABASA MO ANG
The Mistress Love Story (Completed)
RandomTHE MISTRESS LOVE STORY "Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako. Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal. "Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, n...