Chapter 7

11.1K 213 12
                                    

Dale's POV

Paglabas ko sa gate, nakita ko kaagad siyang nakasandal sa sasakyan niya halatang hinihintay ako.

"Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako.

Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal.

"Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, nagulat naman siya at nagtatakang tumingin sakin.

"Anong sinasabi mo?"

"Sige magmaang-maangan ka pa. May asawa ka diba?"

"Paano mo nalaman?" Nakayukong tanong niya.

"Paano? nagpunta ako sa bahay ni Madam kanina. Excited pa naman akong makita ka kasi isang buong araw kang hindi nagparamdam tapos ganun lang madadatnan ko. B---bakit mo ako niloko?" Umiiyak na sabi ko, halos hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa pagiyak.

"Sorry. I'm sorry. Hindi ko gustong magsinungaling sayo."

"Kyle minahal mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ko natanong sa kanya yan. Alam kong mahal niya ang asawa niya, kaya nga sila nagpakasal diba? pero i want to know kung minahal niya rin ba ako or panakip butas lang, kasi nasa ibang bansa ang asawa niya.

"Oo. Mahal kita, minahal kita nung una palang." Mabilis niyang sagot.

"Pero mahal mo din ang asawa mo diba?" Tumingin lang siya sakin. "Bakit hindi ka makasagot?"

"Hindi! hindi ko siya mahal. Arrange marriage lang ang nangyari samin. Ikaw, ikaw ang mahal ko Love."

Hindi ko alam kung maniniwala pa ako dito.
Nagsinungaling siya sakin tungkol sa asawa niya parang ang hirap nang maniwala na mahal niya ako.

"Mahal kita. Ikaw lang ang minahal ko, hindi ko mahal ang asawa ko. Hindi ko siya minahal." Tinakpan ko ang mukha ko. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Maniwala ka naman sakin, mahal kita. Ikaw lang Dale."

"Umuwi ka na. Please umuwi ka na." Kumalas ako sa pagkakayakap nito at tumakbo pabalik sa bahay.

Pagsara ko ng pinto ay bumuhos ang napakarami kong luha, sobrang sakit ng bandang dibdib ko.

Feeling ko ang sama sama ko kasi kumabit ako sa lalaking may asawa, ako ang sumisira sa pamilya nila.

Sabi ko sa sarili noon, galit ako sa taong manloloko. Hindi ko napansin na isa narin pala akong manloloko dahil may asawang tao ang minamahal ko.

'Ano nalang ang sasabihin ng asawa niya? Kung ako nga nasasaktan ng sobra paano pa kaya siya.'

The Mistress Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon