Chapter 3

12.1K 241 8
                                    

Dale's POV

Pumasok ako sa entrance ng opisina, tingin sa kanan at tingin sa kaliwa.

Iniiwasan ko kasi si Sir Kyle dahil nga sa nangyari noong isang gabi na hinatid niya ako. 'Ang awkward kaya.'

Para akong kriminal na pilit na tumatakas sa aking kasalanan, nang hindi ko siya nakita ay patakbo akong sumakay sa elevator. Nagpalate talaga ako para wala akong kasabay.

Magsasara na ito ng may humarang na kamay dito, gulat akong napatingin sa lalaki.

"There you are. Are you avoiding me?" Hinihingal na sabi niya halatang tumakbo ito.

'Oh Gosh! Anong isasagot ko?'

"Uhm... Goodmorning Kyle." Nakangiting bati ko, pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"I'm asking you Ms. Dale, Are you avoiding me?" Tanong niya ulit.

"N---no. Why should I?" 'Kalma lang Heart, pakakalusot din tayo dito.' Bulong ko sa sarili.

"Okay. So, I'm here because i have something to tell you." Nakakaloko na naman ang ngiti nito.

Napataas ang kilay ko."Ano po yun Sir?"

"Mamita said that I have to attend a conference meeting in Cebu at alam mo naman na baguhan ako dito sa pilipinas kaya kailangan ko ng makakasama at ikaw ang napili ko." Pagpapaliwanag niya.

'Ano daw Cebu? ako ang isasama niya, eh hindi pa nga ako nakakapunta duon. Tsaka hindi pwede walang magbabantay kay Lola.'

"Kyle I can't. Paano si Lola? Walang magbabantay sa kanya."

"Don't worry about your Lola, ako nang bahala."

Hindi na ako nakahindi sa kanya after all siya ang masusunod, siya ang boss ko.

----------

Sumama ako sa kanya sa Cebu, 3 days and 2 nights kami dito, may sari-sarili naman kaming kwarto.

Lagi kong tinatawagan si Lola at mino-monitor kung okay lang ba siya.

Si Kyle ang gumawa ng paraan kay Lola kinausap niya ito. Ewan ko kung paano niya napapayag, pero sigurado akong inuto niya ito.

Pumasok ako sa kwarto ko pagkatapos ay humiga sa kama, nakakapagod pala umattend ng meeting conference.

Pagdating na pagdating namin kanina, dumiretso na kami sa meeting conference hindi na kami nakapagpahinga.

Tok tok tok

Narinig ko na may kumatok sa pinto kaya dali dali ko itong binuksan.

Nakita ko si Kyle na nakatayo sa harap ng pinto at nakahawak sa batok niya. "Okay ka lang ba dito?"

"Ha. Okay lang naman. Bakit?" Naguguluhang tanong ko. Ang weird niya kasi.

"K--kasi baka hindi ka comportable, I mean baka namimiss mo si Lola betty." Hindi siya tumitingin sakin parang naiilang siya.

The Mistress Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon