Dale's POV
Pinunasan ko ang luha ko nang makitang nagliligpit ng mga gamit ang iba kong empleyado. "Ma'am aalis na daw po sila."
Bakas sa mukha nila ang labis na lungkot. 150 katao ang nawalan ng trabaho. "Kakausapin ko sila." Sabi ko at naglakad papalapit sa kanila. "Sorry."
"Hindi niyo naman po kailangan magsorry Ma'am. Wala po kayong kasalanan. Naging mabuti kayong boss samin kaya tatanggapin namin ng buong puso ang naging desisyon ng Kumpanya."
"Pangako aayusin namin ang lahat para makabalik ulit kayo dito sa kumpanya. Maraming salamat sainyo." Pagpapaalam ko.
Tumalikod na ako para maitago ang lungkot sa aking mukha. Nakakadurog ng puso na makitang ganito ang empleyado mo. Hindi sana ito mangyayari kung nandito lang si Kyle.
Papasok na ako ng opisina nang makita si Luca. "Luca." Tawag ko dito at kaagad siyang niyakap.
Ang tagal ko siyang hindi nakita. Ibang iba na ito mula nang dumating si Kyle. Parang umiiwas na ito saming lahat.
"What is happening? Bakit naguuwian ang mga empleyado mo?"
"Unti unti ng nababankrupt ang kumpanya, kaya kailangang magbawas ng empleyado. Hindi ko na alam ang gagawin ko Luca." Mangiyak ngiyak na sabi ko.
Dapat si Kyle ang nandito sa tabi ko, dapat siya ang nagpapagaan ng loob ko pero busy ito sa hindi ko malaman na dahilan.
"Halika mag-usap tayo sa opisina mo. May dala akong hot chocolate, favorite mo." Tumango ako.
Pumasok kami sa opisina ko.
Umupo ako sa swivel chair. "This is for you." Inabot niya sakin ang isang tasa. "So, what happen?"
"I don't know. Bigla nalang nagback out yung mga investors ko, piling ko may sumasabutahe sa kumpanya."
"Baka nagkataon lang."
"Malakas ang kutob ko Luca. May mali sa nangyayari, ni hindi nga nila ako binigyan ng paliwanag eh. Tama ba yun?"
"Pagsubok lang yan. Alam kong kayang kaya mo yan Dale." Pagpapalakas niya ng loob ko.
Humawak ito sa kamay ko kaya pilit akong ngumiti. Kailangan kong ituloy ang buhay, masakit man ang nangyari pero tama si Luca. Pagsubok lang ito, kayang kaya namin ito.
"Salamat kasi lagi kang nandiyan para sakin."
"Aalis narin ako, dumaan lang talaga ako para kamustahin ka. Nga pala pabigay nito kay Kyle Jr. pakisabi rin na miss na miss ko na siya." Nakangiting sabi niya. "I have to go." Nagbeso muna siya bago umalis.
Ginugol ko oras sa pagtatrabaho ngayong araw. Hindi na ako kumain, ininom ko lang ang bigay ni Luca na hot chocolate para hindi ako makaramdam ng gutom.
Dumating na ang uwian nagpasundo nalang ako sa driver, kasi wala daw si Kyle sa bahay.
"Manong nakauwi na ba si Kyle?"
"Hindi pa po Ma'am. Ang alam ko pumunta siya sa mall kanina."
Hindi na ako sumagot. Stress na nga ako sa trabaho pati ba naman sa mga gastos ni Kyle.
Madilim na nang makarating ako sa bahay. Napataas ang kilay ko nang wala man lang sumalubong sakin. Naglakad ako papunta sa garden, nagulat ako nang makitang nakatayo si Kyle sa harapan ko habang may hawak na bulaklak.
May mga fairy lights din na nakasabit sa puno kaya very romantic talaga. Ano to proposal?
"Hi." Bati niya. Lumapit kaagad ako sa kanya. "Alam kong stress ka sa opisina mo nitong mga nakaraan araw, kaya naisipan ka naming isurprise. Para gumaan naman ang pakiramdam mo kahit konti."
BINABASA MO ANG
The Mistress Love Story (Completed)
RandomTHE MISTRESS LOVE STORY "Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako. Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal. "Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, n...