Dale's POV
"Ahhh..." Sigaw ko.
Manganganak na ako, ilang minuto nalang ang hinihintay lalabas na ang kambal namin.
"Sshhh... Calm down Love. You can do it."
Anong calm down? Sobrang hirap kaya manganak, hindi lang ito natatapos sa pag-ere. Buong katawan mo masakit, tama nga yung sinabi ng matatanda noh. Kapag nanganganak ang isang babae, nasa kabilang hukay ang isang paa nito.
"Okay, one more push Mommy." Sabi ng doctor kaya ginawa ko ito.
"Ahhh..." Sigaw ko ulit.
May narinig akong iyak ng baby kaya napaiyak narin ako.
"Your doing great Love." Bulong ni Kyle at humalik sa noo ko. Ayokong bitawan ang kamay niya kasi may isa pa.
"Okay. Last one na, nakikita ko na ang ulo ni baby. One more push and we're done. Ready."
Bumilang ang doctor kaya umire ako ulit, siguro umabot lang ng limang minuto nang lumabas ang isang kambal.
"Thank you Love." Hinalikan nito ang kamay ko. "I'm so proud of you, your so brave. I love you." Gustong gusto ko nang ipikit ang mata ko ngunit gusto kong makita ang reaksyon ni Kyle sa dalawang bata.
"Tingnan niyo ang twins sobrang cute."
Nilapit ng dalawang nurse yung baby namin.
May tumulong luha sa mata ni Kyle habang nakatingin sa dalawa. "Hi kiddos. I'm your Papa." Sabi niya habang hinihimas ang maliit nitong mga kamay.
Alam kong magiging mabuting ama si Kyle sa mga anak namin.
----------
Kyle's POV
"Bakit umiiyak ang baby namin?" Inaantok na tanong ko. It's already 2:30 in the morning, tulog na si Dale kaya ako nalang ang magpapatahan sa kanya.
Pagod din kasi ito buong araw sa pag-aalaga sa kambal, ayaw niya namang kumuha ng kasambahay kasi gusto niya maging hands on sa mga bata. "Ssshh... Magigising ang Mommy mo." Sabi ko, akala mo naman talaga maiintindihan ako.
"Nagugutom ka lang pala eh." Hinele-hele ko ito hanggang sa makatulog ulit.
Binaba ko ito sa crib niya. Mukhang antok ko naman ang nawala. Ganun siguro kapag ama ka na, kahit anong antok o pagod mo mawawala makita mo lang sila.
Bumalik ako sa kama.
Natawa ako ng makita ang itsura ng asawa ko sa pagtulog, nakanganga ito habang malakas na humihilik.
Ganito pala ang feeling kapag nahanap mo na ang taong mamahalin mo noh, hindi nababawasan ang pagmamahal mo kahit na anong itsura nito.
Alam ko marami akong kamalian na nagawa, marami akong nasaktan dahil naging makasarili ako. Pero ito naman ako ngayon, pilit na inaayos ang mga maling nagawa ko noon.
Naalala ko tuloy yung laging tinatanong sakin ni Lola. Paano ka matututo? Paano mo maitatama ang pagkakamali mo, kung ikaw mismo hindi mo inaamin sa sarili mo na nagkamali ka.
"Kyle." Biglang tawag ni Dale. "Turn off the light please."
Napangiti ako. Alam na alam niya kapag bukas ang ilaw. Hindi kasi ito sanay ng maliwanag, gusto niya dim light lang.
"Okay." Pinatay ko ang ilaw pagkatapos lumapit sa kanya para humalik sa noo niya. "I love you."
"Love you too." Inaantok niyang sabi.
BINABASA MO ANG
The Mistress Love Story (Completed)
RandomTHE MISTRESS LOVE STORY "Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako. Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal. "Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, n...