Dale's POV
"Ito pa." Kinuha ko ang itim at asul na tshirt at pinapili sa kanya. "Anong gusto mong kulay sa dalawa o itong dalawa nalang ang kunin natin?"
"Masyado nang marami ang binili mo. Sayang lang kung hindi ko masusuot."
"Sympre susuotin mo. Dapat masanay ka na. Ito pa mukhang bagay sayo, tapos sa barber shop na tayo diretso." Sabi ko, dumaan din kami sa sapatusan, siya na ang pinapili ko, baka kasi isipin niya masyado na akong bida bida.
Pagkatapos dumiretso na kami sa bayaran, binigay ko sa driver ang credit card ko, alam niya na ang gagawin diyan. Mauuna na kami sa barber shop, kakilala ko ang may-ari nito kaya kahit maraming customer alam kong kami ang uunahin nila.
Hindi na ako nangialam sa gustong gupit ni Kyle. Kahit naman kasi anong klase ng buhok niya, gwapo parin siya sa paningin ko.
Nagbasa basa muna ako ng magazine, siguro umabot din ng kalahating oras ang paggupit sa kanya.
"Okay na po Sir." Napatingin ako sa lalaking nagsalita, tapos na pala siya.
Napangiti ako nang makita si Kyle, mas lalo itong gumuwapo, maaliwalas narin ang kanyang pagmumukha. Bumalik na yung looks ng lalaking minahal ko.
"You look good." Puri ko sa kanya ngunit hindi ito umimik.
Pag-uwi namin sa bahay nandun na sila Kyle Jr. "Mommy, Daddy. Where have you been?"
"Namili kami ng gamit ni Daddy."
"Okay. Paps Luca buy me some ipad." Ginulo ko ang buhok nito, alam kong hindi kusa yan binigay ni Luca. Nagpaawa na naman siguro ang anak ko kaya itong si Luca nagpauto.
"Next time wag hihingi kay Tito Luca ha. I can buy you naman anak, pero bago pa ang isa mong ipad." Hindi ko ito tinotolerate na laging bago ang gamit, nanggaling rin ako sa hirap kaya alam ko na hindi ganun kadali kumita ng pera.
"I'm sorry Mom. I told him lang naman na wala pa akong latest version nito eh. Tapos sabi niya bilhin na namin."
"It's okay, but next time ha." Tumango ito, humalik ako sa pisngi niya.
Humarap ako kay Kyle, nakikinig pala ito sa aming mag-ina. "Yaya asikasuhin mo nalang ang pinamili namin, tapos tawagin mo na sila Manang para makapaghanda na ng makakain."
"Sige po Ma'am."
"Kyle kung gusto mo magshower ka muna habang naghahanda ng makakain."
"Hindi na." Sabi niya at lumapit sa anak namin. Hanggang kailan kaya ito magiging malamig sakin? Hindi naman ako napapagod pero sana isang araw magising nalang ako na tapos na ang lahat ng pagsubok sa buhay namin.
Sabay sabay kaming kumain, normal na hapunan lang bilang isang pamilya.
Nagtanong rin sila Mamita kung ano daw ang pinagbibili namin, ako na ang sumagot pero ngumingiti ngiti naman si Kyle at masaya na ako dun.
Pagkatapos namin kumain, nag-usap lang kami ng konti ni Lola. Si Kyle nauna nang pumunta sa kwarto kasama si Kyle Jr.
"Sige na't magpahinga kana." Pagpapaalam ni Lola, sabay kaming umakyat sa kwarto.
Katabi kong matutulog si Kyle, wala naman sigurong masama duon diba, mag-asawa naman kami sa papel at sa mata ng panginoon.
Pagpasok ko sa kwarto dumiretso na ako sa cr para maghalf bath. Nagbihis narin ako para hihiga nalang.
Paglabas ko sa cr, tila nahiya si Kyle kaya napayuko ito. "Sa sahig nalang ako matutulog."
"No. Gusto kitang makatabi, wala naman sigurong masama lalo na't mag-asawa tayong dalawa diba?" Tumango siya.
Tumalikod ito sakin. Dalawang tao pa ang makakahiga sa gitna namin, ganun kalayo ang agwat namin sa isa't isa. Okay lang yan, atleast katabi ko siyang matulog.
----------
Napabalik ako sa kasalukuyan nang kalabitin ni Lola.
"Matutunaw na yang mag-ama mo kakatitig mo. Sabi ko sayo tawagin mo na sila nang makapagmerienda na."
"Sorry Lola. Hindi ko kasi sila maistorbo, mukhang enjoy na enjoy sila sa paghaharutan." Sabi ko kay Lola.
"Sige na nga. Basta tawagin mo nalang sila. Manunuod lang ako ng tv." Tumango ako.
Isang buwan na ang nakakalipas. Okay naman ang relasyon namin ni Kyle, pinipilit ko naman itong kausapin ngunit mukhang hindi pa siya handa.
Mas naging malapit siya sa anak namin, yun naman ang importante diba. Kaya ko naman maghintay kung kailan niya ako kakausapin eh.
"Guys magmerienda na kayo." Tawag ko sa kanila.
"Daddy let's eat na." Sabi ni Kyle Jr. at patakbong lumapit sakin.
Pumasok ako sa bahay para bigyan ito ng cookies, nang hindi pala namin kasunod si Kyle.
"Kumain ka na. I'll call your Daddy." Sumubo ito ng cookies bago tumango.
Hinanap ko si Kyle, nakita ko ito sa dulo ng hardin. May kausap siya sa phone niya, ngayon ko lang ito nakita na may kausap. Sa bagay nanibago pala siya sa paggamit ng iphone. May mga card na rin siya, pwede narin siyang bumili ng kahit na anong gusto niya, gamit ang card na binigay ko.
Gusto kong malaman kung sino ang kausap niya kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya upang hindi siya makahalata.
"Kamusta na kayo? Okay lang naman ako dito." Sabi nito, halata sa boses niya ang lungkot. "Oo maganda dito. Ibang iba sa bahay natin, tapos may swimming pool pa sila. Kung sana lang nandito kayo para mapakita ko sainyo. "Hindi ko kilala ang kausap niya, possibleng yung babae o yung tatay nung babae. "Miss ko na kayo."
Kumirot ang puso ko sa sinabi niya.
Humarap ito sakin kaya nagulat siya. Pilit akong ngumiti at umalis sa harapan niya.
Hindi ko alam na sinundan niya pala ako pagkatapos hinawakan ang kamay ko. "Si tatay ang kausap ko."
"Hindi mo naman kailangan magpaliwanag. May naiwan kang pamilya duon na kailangan mong kamustahin. Naiintindihan ko."
"Salamat. Wag kang mag-alala wala na kaming relasyon ni Hilda. Sa totoo nga niyan." Napalunok ito. "Gusto kong ayusin ang relasyon natin para kay Kyle Jr. Hindi man kita kilala, pero alam kong mabait ka."
Kaagad ko itong niyakap. Ang lakas ko naman sayo Lord, tinupad mo kaagad ang hiling ko. "Thank you Kyle. Pangako, pipilitin kong ipaalala sayo ang nakaraan."
"Mommy, Daddy let's eat."
Napangiti kami nang magsalita ang anak namin. Para sakin ito na ang simula nang bagong yugto sa aming mga buhay.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.
BINABASA MO ANG
The Mistress Love Story (Completed)
RandomTHE MISTRESS LOVE STORY "Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako. Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal. "Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, n...