Luca's POV
Malungkot kong sinundan ng tingin si Dale. Nasasaktan ako para sa kanya. Gustong gusto kong punasan ang luha niya ngunit hindi ko magawa sa tuwing naiisip ko na ako ang punot dulo kung bakit siya nasasaktan ngayon.
Flashback
"Wag mo ng ituloy ang board exam. Hindi ka magdodoctor Luca. Dito ka magtatrabaho sa kumpanya natin." Galit na sabi ng Daddy ko.
"No Dad. Malapit na ako sa pangarap ko saka mo sasabihin sakin yan. Tsaka nandiyan naman si Ate."
"Your sister is pregnant." Nagulat ako sa sinabi nito. "Ikaw nalang ang pag-asa ko Luca."
Umiling ako at padabog na naglakad palabas ng opisina niya. Hindi ko siya maintindihan. Noon wala siyang tiwala sakin sa pagpapatakbo ng kumpanya, ni ayaw niya nga akong pumupunta dito eh.
Si Ate Len ang paborito niya, siya palagi ang bida sa mata ng mga magulang ko kaya gumawa ako ng paraan para kahit papaano maging proud sila sakin.
As usual, wala parin silang pakialam noong panahon na nag-aaral ako. Hindi ko sila nakitang sumuporta sa pangarap ko, kaya nagsumikap nalang ako para sa sarili ko.
Ngayon na malapit na ako sa pangarap ko saka niya sasabihin na kailangan niya ako. Kailangan nila ako para maging tapal sa ginawa ng kapatid ko.
Sumakay ako sa elevator nang may babaeng pumasok dito. "Wala na akong trabaho. Nagbawas daw ang kumpanya ng empleyado at nakasama ako." Boses ng babae.
Hinawi niya ang kanyang buhok kaya nakita ko ang angking ganda nito. Para akong napako sa kinatatayuan ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon lang nangyari ito sa buong buhay ko.
----------
Lumipas ang ilang buwan, hindi ako tinigilan ni Daddy kaya kahit hindi bukal sa loob ko pumayag nalang ako. Ako ang naging vice president ng kumpanya pero tinuloy ko parin ang board exam ko, masaya naman ako kasi nakapasa ako.
Katatapos lang ng meeting ko sa restaurant nang makita ko ulit yung babae sa elevator. Pinasundan ko ito at pinabackground check. Gusto ko itong bumalik sa kumpanya ngunit nalaman ko na nagtatrabaho na pala ito sa iba.
Alam ko rin na kasintahan niya ang apo ng may ari ng kumpanya. Ang alam ko may asawa na ito.
Nasaktan ako para sa kanya pero sino ba naman ako, ni hindi niya nga ako kilala. Sadyang nabighanin lang ako sa angking ganda nito, tuwing nakikita ko siya kakaiba talaga ang tibok ng puso ko.
Lumipas pa ang ilang buwan, nalaman kong buntis na ito sa kasintahan niya. Nalungkot ako sa nangyari pero kailangan kong tanggapin na wala na akong pag-asa sa kanya.
----------
"Here's your coffee Sir."
"Thank you." Pasasalamat ko.
Kasalukuyan akong nasa coffee shop malapit sa opisina.
Binasa ko ang diyaryo na nasa harapan ko bago napatingin sa lalaki at babae na naglalakad papalapit sa kabilang lamesa.
'Pamilyar ang lalaking yun. Siya si Kyle, ang kasintahan ni Dale.' Bulong ko sa sarili.
Paano niya nagawang lokohin si Dale? Buntis na ito sa magiging anak nila tapos nakikipagkita pa siya sa ibang babae.
Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng coffee shop. Nakita ko ang sasakyan nito na katabi ang sakin.
Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang kutsilyo na tinatago sa sasakyan ko, this is for emergency used only. Dala ko ito parati proteksyon sa sarili ko, marami nang taong hindi mapagkakatiwalaan, mabuti na't handa ako.
Kahit ganito man lang, makabawi ako para kay Dale. Binutas ko ang gulong ng sasakyan ng lalaki.
Yung araw na yun nalaman ko narin na naaksidente ito. Hindi ko alam na buhay niya ang magiging kapalit sa ginawa ko, gusto ko lang naman siyang turuan ng leksyon, hindi ko intensyon na patayin siya.
Naghire ako ng tauhan para hindi madawit ang pangalan ko sa aksidente, pinalabas nilang aksidente ang nangyari, na nawalan lang ito ng preno.
----------
I messed up. Nawalan ako ng gana magtrabaho, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari.
Ring ring ring
"Sir Luca okay na po ang lahat. Nagawan na namin ng paraan." Bungad ng tauhan ko.
"Good. Ayoko lang madawit ang pangalan ko sa nangyari."
"Opo. Pinatay na po namin yung lalaki at tinapon sa malayong lugar ang katawan niya."
Naguguluhan ako sa sinabi nito. "Patay na naman talaga siya pagkatapos ng aksidente diba?"
"Hindi pa siya patay Sir. Palabas lang namin yun. Mabuti nalang may kakilala ako sa hospital kaya nakapasok kami. Ayaw na makita ng pamilya ang katawan ng lalaki, kaya ginawan na namin ng paraan."
Ibig sabihin buhay pa si Kyle pagkatapos ng aksidente. Oh God! Anong ginawa ko!
"What the f*ck!" Galit na sabi ko. "Ang sabi ko, ayoko lang madamay ang pangalan ko sa imbestigasyon, hindi ko sinabi na patayin niyo siya. Mga bobo!" Nabato ko ang cellphone at napasabunot sa buhok ko.
F*ck this life!
----------
Ilang buwan ang lumipas, bumalik ang Ate ko sa kumpanya dahil nakunan ito. Nagkabati kami nang payagan niya akong magpart time job sa hospital ng asawa niya bilang pediatrician.
Nagkakilala kami ni Dale nang ma-ospital ang anak niya.
Masaya ako na nakilala ko siya, sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat makabawi lang sa kanya at sa iniwang anak ni Kyle.
Okay na ang lahat. Konting konti nalang mapapasakin na ang babaeng minahal ko ng ilang taon, ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, bumalik si Kyle sa buhay naming lahat.
End of flashback
May bumusina sa harapan ko kaya napabalik ako sa kasalukuyan. "Hey! Move your car."
"Sorry." Pinaandar ko ang sasakyan ko.
Nakikita ko kung gaano kamahal ni Dale si Kyle, hindi ko man maamin pero alam kong hindi napalitan ang pangalan ni Kyle sa puso't isipan ng babaeng gustong gusto ko.
Tumigil ako sa daan at tinawagan ang secretarya ko. Tatlong ring lang nang sumagot ito.
"Goodevening Sir." Bungad niya.
"Call our investors. Tell them that they can invest in Dale's Company." Utos ko kay Jon, ang personal secretary ko. "Wag mo nalang ipaalam kila Ate."
"Noted Sir Luca."
Napasandal ako sa kinauupuan ko ng tumulo ang luha ko. Hanggang ganito nalang ako, hindi ko naman kayang sabihin sa kanya ang ginawa ko kasi ayoko siyang masaktan, ayoko siyang magalit sakin.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.
BINABASA MO ANG
The Mistress Love Story (Completed)
RandomTHE MISTRESS LOVE STORY "Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako. Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal. "Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, n...