Chapter 27

2.5K 61 10
                                    

Dale's POV

"One more drink please." Sabi ko sa waiter.

Kasalukuyan akong nasa bar malapit dito sa opisina ko. Gusto ko lang magrelax, matagal tagal na din kasi akong hindi umiinom ng alak.

"Pero nakakarami na po kayo Ms. Dale."

"Wag mo akong alalahanin, isa nalang tapos magpapasundo na ako sa driver ko."Napakamot ito sa ulo pero binigyan parin ako. "Thank you."

Pagkatungga ko ng tequila bigla nalang nanlabo ang mga mata ko. Naglakad ako papunta sa cr para sana maghilamos pero bigla akong nahilo.

Kinuha ko ang phone sa bag para tawagan ang driver ko ngunit hindi na ito sumasagot. Gabing gabi narin, baka nagpapahinga na ito. Baka pwede naman akong matulog sa couch nila, iiglip lang muna ako ng konti tapos magpapatawag nalang ako ng taxi.

Naglakad ako pabalik sa kinauupuan ko nang may bumangga saking lalaki. "Are you okay? Tingin ko kailangan mo ng tulong."

"Okay lang ako."Sabi ko at tinulak ito. Hindi niya ako madadaan sa ganyan, kilalang kilala ko na ang mga ganitong klaseng lalaki. Halatang bagets pa, baka nga hindi pa ito nakakapagtapos ng pag-aaral tapos kung makipaglandian sakin akala mo may diploma na.

"Ihahatid lang naman kita sa upuan mo."

"I said no." Bigla akong nawalan ng balanse kaya napaupo ako sa sahig.

"Pakipot pa kasi, hindi naman kaya ang sarili." Akmang itutulak ko ulit ito nang tuluyan ng nanlabo ang mga mata ko. Napahawak ako sa braso ng lalaki. "Akong bahala sayo."

Pinikit ko ang mata ko, bahala na kung ano man ang mangyari sakin. Hindi naman kasi ako pwedeng umasa na may taong sasagip pa sakin, wala ng bayani sa panahong ito.

Nakarinig ako ng malakas na sigawan sa paligid, gusto kong idilat ang mga mata ko ngunit hindi ko magawa sa sobrang pagkahilo.

----------

Nagising ako nang magring ang alarm ng phone ko. Napatayo ako kaagad nang mapagtanto na hindi pamilyar ang lugar na ito. "Sh*t! Ang sakit." Napahawak ako sa ulo ko, ang sakit parin nito. Ayoko na talagang uminom ulit.

Nakarinig ako ng lagaspas ng tubig na nanggagaling sa cr. Mukhang naliligo ang lalaking nagdala sakin dito. Naisipan kong umalis na, hindi na ako magpapaalam sa kanya.

Binitbit ko lang ang bag ko at lumabas na ng hotel. Nakakahiya kung magtatagal pa ako dito, baka mamaya may makakita sakin.

Humanap ako ng taxi na masasakyan. Tamang tama saturday ngayon kaya makakapagpahinga ako ng buong araw.

Mabilis akong nakarating sa bahay. Pagpasok ko sa pinto sinalubong ako ng anak ko. "Mommy. Where have you been?"

"Sa office baby. Marami kasi akong tinapos na paper works." Pagsisinungaling ko. "Nakaready na ba ang gamit mo? Susunduin ka na mamaya ng Daddy mo." Masaya itong tumango. "Sige, go play nalang muna."

Hiniram kasi siya ni Kyle at Hilda, ipapasyal ata nila sa park. Bukas din naman siya uuwi, bale isang araw lang siya duon.

"Apo nandiyan ka na pala. Mag-almusal ka na."

"Mamaya nalang Lola. Gusto ko munang magpahinga."

"Kaya ka nangangayayat eh. Sige na magpahinga ka na muna."

Umakyat ako sa kwarto. Maghalf bath muna ako bago matulog nang magring ang phone ko.

"Hello." Bungad ko.

The Mistress Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon